Linggo, Oktubre 28, 2012

Respeto, Mga Kapatid!




The moment na ipinanganak ako na mas maaga sa kanila, that means something, right?

Respeto. Di ba nga, sa movie na anak, naging issue iyon?

Ano  nga uli iyong line? "KUNG DI MO RIN LANG AKO KAYANG ITURING BILANG INA, RESPETUHIN MO NA LANG AKO BILANG TAO!"

Para sa akin, maraming uri ng respeto. Respeto sa iyo bilang tao. Magulang. Kapatid. Kaibigan. Katrabaho. Marami.

Ano ba talaga ang respeto? Kailangan ba talagang i-uh-earn iyan? Kailangan ba talagang patunayan mo ang respeto bago iyon maibigay sa iyo? Ibig sabihn ba, kapag bagong kilala mo pa lang ang tao, wala ka pang respeto sa kanya sa lagay na iyon dahil lang sa hindi pa niya napapatunayan sa iyo ang sarili niya?

Super.

Ang laking issue nito sa family namin this days. Especially sa aming magkakapatid. Apat kami, pero may asawa na yong matanda sa amin at hiwalay na ng tirahan. Kaming tatlo ang natira sa bahay namin. Ako ang second oldest. Isang taon at dalawang taon ang tanda ko sa dalawa ko pang kapatid.

Masakit sa akin na wala akong maramdamang respeto mula sa kanila. I have to prove myelf to the daw. Ang tanong, ano naman ang ipo-prove ko sa kanila, eh, in the first place, they're not willing to give it to me? Pride. Ma-pride sila. Porke kasi hindi naman nalalayo ang agwat namin sa edad, madali sa kanila na kalimutang mas matanda ako.

Simple lang naman ang hinihingi ko sa kanila, eh. Una, respeto sa aking bilang tao. Pangalawa, respeto sa akin bilang mas naunang ipinanganak. Pangatlo, bilang panganay sa kanila, irespeto nila iyon fact na kailangan muna nilang makinig sa akin bago nila i-judge ang mga sasabihin ko o gagawin ko. Eh, hindi eh. ANg sakit. Masakit isipin na iyong mga kadugo mo na makakasalo mo sa hirap in the future, ganoon ang trato sa iyo.

I tried solving it through confrontation. I asked them, 'bakit di n'yo ako magawang irespeto?'. Dapat daw, magpaka-ate daw muna ako. Ha! Akala nila diguro, madali maging ate sa mga bunsong hindi ka naman itinuturing na ate, no? HA! HA! Tinanong ko sila, anong klaseng ate ba ang gusto ninyo?

Iyong hindi bungangera?

Iyong tahimik lang?

Iyong linis, luto, laba tapos pasok sa kuwarto at matutulog na?

Ayaw nila ng ate na concern at tutulungan silang itama ang mali nila?

Gusto nila ang domesticated na ate sa halip na 'cool' na ate?

Ano ako, NANAY nila?

May nanay na kami, bakit gagampanan ko iyon?

Bakit hindi puwedeng mag-bonding kami na walang awayan, walang pikunan?

Bakit gusto nilang nang-aasar sila, expecting na smile lang ang sagot ko. While sila, konting -teasing-teasing lang, bad words kaagad ang labas sa bibig nila?

Nitong huli, sinabihan ko sila na huwag naman akong tawaging 'tanga' kung di naman iyon totoo. Na huwag sa bawat maliit na pagkakamaling magawa ko (tulad ng pagiging makakalimutin ko o miscalculation na nagawa ko), habangbuhay na pagkasira ng tingin nila sa akin ang katumbas. Na sa isang pagkakamali, wag naman nila gawing sampu. Hindi naman ako pumapatay. Kung magkamali man ako, ordinary lang. Katulad ng ibang tao, katulad NILA, nagkakamali ako. Hindi grabe, hindi magiging sanhi ng end of the world iyon, uy! Kaya bakit kung makahusga sila, wagas, lantay, tuluy-tuloy?????

Akala nila, mga magulang lang ang nagrereklamo? hindi no. Mga ATE at kuya rin. Ang mga bunso kasi, nakakalimutan ang heirarchy sa family. Kung wala si MAMA at PAPA, di ba, ang next in line sa authority, sina ATE at KUYA? Kung alam lang nila na masuwerte sila na may mas matanda sa kanila. Sa kaso ko kasi, maagang nag-asawa ang kuya ko. PAg school assignments, problems etc., alone ako. Hindi ko maasahan ang mga parents ko dahil busy sila. Masuwerte nga ang mga kapatid ko. Kasi, kasama nila ako. PAg may assignments, away-friends, teacher/school problems, o kahit iyong may mahingan lang ng masamang hangin mula sa puso nila, andyan ako.

Kaso, nakakalimutan nila iyon. Madaling matabunan. Pero sige, okay lang. Tiis-tiis na lang ako. Life, ganyan talaga!

Hay, nakahinga rin.

Bye... Bye...

Yours truly,

MFL

SANA MAY MAGSABI SA AKIN NITO:



http://disney.go.com/create/art/2gs11k6WUOob00001004ow00-g-16fac8

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento