| http://smilesforscott.com/index.htm |
![]() |
| http://www.glogster.com/starlight619/myglogster |
Kung narito ka sa tabi ko ngayon, tiyak kung itatanong mo kung bakit para akong tangang ngingiti na parang ewan. Hindi naman ako nanonood ng love story na may magandang ending. O comedy sitcoms. Hindi ko rin naman kaharap ang baby brother kung ubod ng cute. Ang magiging sagot ko: IKAW.
Mabilis at malakas na tibok ng puso.
Pisnging nagba-blush na parang pink lipstick.
Nagniningning na mga mata.
Isipang lumilipad sa isang pantasyang ikaw at ako ang starring role.
Pamilyar ba?
Ikaw ang sagot sa tanong mo. Ikaw ang dahilan ng ngiting ito.
Ngunit...
Ang ikaw na tinutukoy ko ay ang ikaw na mula sa ala-ala ng aking kabataan...
Kung itatanong mo kung ano ka na lang sa akin ngayon...
Isa ka na lamang ala-ala. Bahagi ng aking nakaraan na sa tuwina ay babalik-balikan ko. Isa kang masayang pagbabalik-tanaw. Salamat...
Sa Diyos na hinayaan kang maging bahagi ng buhay ko. Sa iyo dahil, lingid sa iyog kaalaman, binigyan mo ng kulay ang musmos kong mundo. Dahil ikaw ang dahilan ng aking pagngiti ngayon.. sa tuwing naalala ko ang mga nakakatuwang pantasya ko noon...
|
| http://picture-book.com/node/8961 |
![]() |
Ikaw rin ang naging inspirasyon ko sa aking pagpasok sa eskwela araw-araw. Ikaw ang unang lalaking 'minahal' ko. Kahit di ko pa lubos na alam ang kahulugan niyon.
Nakakatuwa at nakakatawa ang mga pumapasok sa isipan ko ngayon.
Mahirap nga talagang mawala sa isipan ang mga bagay, pangyayari o taong nagkaroon ng impact sa buhay mo. Dahil mula sa isang masayang pagbabalik-tanaw, isang kakaibang damdamin ang nararamdaman ko. Hindi ko ito matukoy.
Kuryosidad?
Panghihinayang?
Pag-asam?
Mula sa sa simpleng ala-ala, maraming tanong ang nagsulputan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
superman and lois lane comic --- taken from http://www.comicvine.com/lois-lane/29-1808/all-images/108-198197/52062-bruce-timm/105-115996/



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento