Episode 1: Ang Mga Pangunahing Karakter
Part 1: Ang Kabigatan ng Pang-Ms. Unibers na Body ni JUANA
Muzta na? Ako si Juana Katamaran.
Pok!
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz*snore*zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz*snore*zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
<mag-iinat si Juana. Gising na siya. Iyong pok! na narinig pala kanina ay tunog ng ulong bumagsak sa lamesa kasi hindi na kinaya ni Juana ang bigat ng ulo niya>
Anong oras na, mga repapipz? Bakit wala nang tao?
<tumayo si Juana. Tinungo ang pinto ng klasrum. After 30 minutes…>
Hala! Naka-lock! <walang buhay niyang sabi. Tumutulo pa ang laway niya pero di na niya pinahid. Ang bigat kasi ng relong nasa left hand niya. Yung right hand naman niya, nakahawak sa seradura ng pinto. Dila na lang niya ang ipampapahid niya. Lasang laway pa rin naman, eh. Tsaka, sa kanya naman iyong laway. Ultimo mga germs, siya ang amo nila!>
Paano ako uuwi? Di pa ako tapos i-read Adbentyurs ni Juan Tamad tsaka mayang 4:30 na Mr. Bean…
<laylay ang balikat na bumalik si Juana sa upuan.. After 30 minutes, nakaupo na siya>
Hay… gutom na ako. Three days pa ako no eat matinong food.
<naalala ni Juana ang galunggong na isda na itinago ng nanay niya sa itaas ng aparador niya na nababalutan ng tatlong selopin na ipinasok sa lata ng sardinas na naka-scotch tape pa para di mabuksan ng mga daga bago ito nagbakasyon sa BORACAY. Mga halimaw kasi ang mga daga sa kwarto ni Juana. Ilang selopin na ng rat killer ang naubos niya pero ang dami pa ring daga. Ang hihilig kasi kaya anak tuloy ng anak!>
Kung alam ko lang na makukulong ako dito sa room, kinain ko na lang iyon.
<Kaya lang, ang taas ng cabinet niya. Mabigat ang bangkong papatungan niya tapos kailangan pa niyang tanggalin iyong scotch tape sa lata, tapos iyong tatlong selopin sa galunggong. Bakit pa siya magpapakahirap? Galunggong lang iyon. Ang cheap! Baka nga panis na iyon, eh. Tapos, papainitan pa niya iyon sa kalan para mas masarap pag mainit. Pero paano kung matalsikan siya ng mantika?! Ang skin niya, baka magka-rashes. Allergic siya sa mga maiinit na bagay. Ganun siya ka-sensitive.>
<Kailangan na talaga niyang umalis. Magdidilim na. Inabot niya ang bag niya pero nahulog iyon. Kumunot noo niya. Anong dapat niyang gawin sa bag?>
Sasakit lang likod ko.
<sabi lang niya. Kaya ayun, inilusot na lang niya ang isang paa sa sling ng bag tapos tumayo na siya. Nakita niya ang bintana ng klasrum ba bukas. After 30 minutes, sa wakas, narating rin niya ang bintana hila-hila pa rin sa paa ang bag.>
Hindi ko kaya. Ang taas. Sasakit balakang ko.
<sabi niya pagkakita sa labas at kung gaano kataas ang aakyatin niya pababa. Nang dumaan ang kaklase niyang si Pepito LotoNgLoto. Nakita si Juana. Ngumiti ng malapad. Kita tuloy ang dalawang bugs bunny teeths niya. Namula parang kamatis ang pisngi niya. Crush niya si Juana, eh>
O, Juana, my labs! Bakit andyan ka pa? Di ka pa uuwi?
Naka-lock pinto. Kaya talon sana ako dito bintana pero ‘syado taas. Sasakit balakang ko pag talon ako. ‘Yaw ko saktan body ko pang-Ms. Unibers.
Ha? Paano ka masasaktan? Nasa first floor lang naman room natin kasi first year pa tayo, di ba?
Kahit na.
Sige, ganito na lang. <Lumapit si Pepito LotoNgLoto sa labs ng world niya> Kapit ka sa akin tapos ilalabas kita diyan sa bintana.
T.Y. <sabi ni Juana, nakayuko at pa-shake-shake pa ang katawan na parang nahihiya. Crush rin niya si Pepito LotoNgLoto.> Umm…Uwi na ko.
Sige, my labs. Pwede ba ako dumalaw sa inyo sa Sabado?
Ummm…tsige. Pero dapat dala ka food. ‘Yaw ni nay wala dala tsutor ko, eh.
Sige. Don’t worry. Dalahan kita ng lechon manok, pampahaba ng buhay. Una na ako. Itataya ko pa bente pesos baka manalo ako at mabilhan kita manok galing Max’s!
<Umuwi na nga sila pareho>
__________________________________________________________________________________
Miss Fat Lady’s Note: Aaaaaaahaaaaayyyyy! Antok na ako. Antagal pa kasi dumating ni Juana sa bahay nila!
__________________________________________________________________________________
Part 2 (last part): Magkano ang Expenses sa Bakasyon sa AMANPULO ISLAND?
<after two hours, nakauwi na si Juana. Ambilis niya nakauwi. Nasa likod lang kasi ng school ang kubo nila.>
Juana! Anak! Kumusta na?! Long time no see! My beybi! Mwah!
Nay, gutom na me. Pero musta naman po vacation nyo Bora?
Naku, graveeee. Ang bongga! Nag-banana boat ride ako tapos island hopping tapos kumain ako sa restaurants doon! Graveeee! Worth it ang lahat ng mga naipon ko! Hay!
Kaiinggit kayo, nay. Gusto ko rin punta Bora!
Ten years, anak! Ten years. Pwede na. Mag-janetress ka sa school nyo ng isang taon. Ikaw pumalit sa akin after you gradweyt HS, ok? Dapat masipag ka.Para ma-promote kang head janitress. Mas malaki ang sweldo nun tapos mas malaki na maiipon mo!
Galing n’yo, Nay! <sabay yakap niya sa nanay niya>
Ako pa! Pero anak, narinig ko, mas maganda raw iyong Amanpulo Island? Gusto ko dun. Magkano kaya ang kailangan ko para makapunta roon? Pag-iipunan ko?
Yaan nyo Nay. Search ko po sa net. Pero akin rinig mahal dun. 2 lives n’yo di kasya para makapunta dun. Pambili food…baka ten years. Bayad hotel, ten years. Para sa iba services nila, kelangan, ten years uli! Low estimate pa yun nay…wala pa research! Tsaka, pamasahe rin po, ten years din!
<nalungkot ang Nay ni Juana.>
Ay! Ganoon ba, anak? Sayang naman. Patay na pala ako, kulang pa panggastos sa pagkain. Sayang. Sayang talaga. Pero ikaw Juana, may chance ka pa. Huwag palagpasin ang oportunidad. Pagtrabahuan mo iyan! Worth it ang forty years mo dun! I-forget mo na lang BORA-BORA!
<Pumasok na si Juana sa room niya na inabot ng karagdagang 30 minutes at natulog sa ilalim ng santambak na walang labang mga damit.>
End. For Now. <Ang hirap kasi gisingin ni JUANA!!!!!!!!!!!!!!!>
___________________________________________________________________________________
Miss Fat Lady’s Note: Haha! Sinaniban ako ng Espiritu ng Kaeng-engan! Ano ba pumasok sa isip ko at sinulat ko ito? May sense ba sa inyo????
Pero ABANGAN ang EPISODE 2 Abutin ang Pangarap: Part 1: Nang Kainin Ni Juana ang Galunggong, Part 2: Si Juana, Ang Masipag na Janitress!
Matagal pa matutulog pa si Juana sa sobrang kapaguran. Wawa naman ang ating bida, guys. Pagbigyan ko na lang siya….
___________________________________________________________________________________



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento