Linggo, Agosto 26, 2012

To Someone Special: Entry #7 sa Blog ni Miss Fat Lady





http://www.chains-and-charms.com/charms/love-marriage/someone-special.html


To Someone Special,

This is supposed to be a personal letter to you kaya di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nandito ito ngayon sa blog na ito. Maraming bagay akong gustong sabihin sa iyo. Mga bagay na di ko masabi ng harapan dahil alam kung baka di mo ako pakinggan o baka barahin mo lang ako. Pero more than that, andiyan din ang pride. You see, I’ve been rejected  many times before, in so many ways, in different situation. Kaya ngayon… ano nga ba iyong term? Napaso? Oo, iyon nga yata, ‘napaso’ na ako. I’ve been burned not once, not twice, but many, many times. Nagtataka nga ako kung bakit nakakapag-type pa ako ngayon at hindi na ako naging abo sa dami ng apoy na dumapo sa akin. Alam kung imposible rin na mabasa mo ito. Di ka naman nag-i-internet, mas lalong di mo alam ang tungkol sa blog na ito. No one knows about the real identity of Miss Fat Lady – ang alam lang nila, mataba siya- pero ilan bang tao sa mundo ang mataba? Mga taong naglalakad sa kalye nang hindi napapansin…

Ano ba ang sasabihin ko?

Marami, eh.

Baka pag nabasa mo ang simula pa lang, di mo na pakinggan. 

Alam mo bang natatakot ako?

Alam mo bang nasasaktan ako ngayon?

Alam mo bang nagagalit ako sa sarili ko?

Alam mo bang  pakiramdam ko ay isa akong putol na sanga ng puno na nasa ibabaw ng tubig, sumusunod lang sa agos?

Unti-unti, habang tumatagal, nawawalan ako ng kontrol- sa lahat. Sa sarili ko.

Alam mo ba ang nangyayari kapag lumalabas na ang luha sa mata mo? Ano ang makikita mo pagmulat mo habang nandoon pa ang mga luha?

Malabo. Ang labo ng nakikita ko. Sa napakaikling sandali, nararamdaman mo na nasa isang lugar ka na pamilyar sa iyo pero alam mong hindi ka nararapat roon. Gusto mong tumakbo… tumakas at maghanap ng mapagtataguan pero saan? Paano?

Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Alam mo iyon, alam ko ang nangyayari, pero di ko rin alam. Wala akong maintindihan. Nasasaktan ako, nalulungkot ako and at the same time, wala akong pakiramdam. 

Kung minsan, literal na akong nakakaramdam ng kirot sa puso ko. Natatakot na nga ako na baka sakit sa puso ang maging resulta nito, eh.

Ang sakit-sakit.

Paano ko sasabihin sa iyo ito?

Natatakot ako sa mga mangyayari. Ngayon pa lang, di ko na alam kung paano iha-handle ang manibela. Saang direksyon ba ako tutungo? Babagalan ko ba o bibilisan? Ang manibela lang ba ang hahawakan ko? Hindi ba puwedeng hawakan mo ang kamay ko habang nagmamaneho ako?

Alam ko, di mo ako naiintindihan. Alam ko, sarili mo lang ang kailangan mong isipin. Pero sana… kahit ganoon, maalala mo pa rin na mahal kita, ha???? Na kahit na anong mangyari, kahit alam kong kulang ang kakayanan ko ngayon, kahit alam kong marami akong pagkukulang- kung kaya ko lang, gusto kong mapabuti ka. Sana ay huwag mong masamain ang lahat ng sinasabi ko o pag-aalala ko. Sana ay magawa mo ring buksan ang puso mo at hayaan itong makinig, sa halip na ang iyong sarili at sakit na dinaranas isipin lang.

Nahihirapan na ako. 

Pakiramdam ko ay may napakaraming rehas na nakapa-ikot sa akin.  Hindi ako makawala…


http://communities.washingtontimes.com/neighborhood/autism-unexpected/2011/jul/13/what-say-parents-children-autism/



Sincerely,

Miss Fat Lady



http://www.redbubble.com/people/pamelajophoto/works/2479445-anyone-can-catch-your-eye-but-it-takes-someone-special-to-catch-your-heart

 Habang nagwi-window shop ako online, nakita ko ito. Let me share this beautiful work to you. This is what I feel right now... thanks to this 'poem', I don't have to write my own any more. :)

http://2pachr.forumotion.com/t4-poezija-iii

The Mutual Heartache

Introduced with innocence
who would have ever guessed
that u were the one I had
been so desperately searching 4
u talk as I do but yet u don't
understand when I mumble
u c as I do but your vision is
blurred by naivete
This is the barrier that separates us
I cannot cross yet
There is 2 much of me that
would frighten u so I live in
heartache because we cannot
fully explore this love and
what of your heartache
Does it feel as sharp as mine
No matter where I go or how long it takes
I will never recover from this mutual heartache.

 You can visit the site too. Marami pang magagandang gawa roon ang may gawa ng tulang ito. Nasa ibaba lang ng image ang link.

Thanks for reading this guys. :)







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento