Bilang babae, ano ang silbi ng isang lipstick?
Pang-kulay ng labi?
Pang-korte ng labi?
Para mas maging kissable ang lips mo?
O simpleng…wala lang. Basta, may nakalagay lang sa lips mo?
May mas malalim pa bang dahilan ang lipstick sa iyo?
May sinisimbulo ba ito sa iyo?
Anong kulay ng lipstick ang paborito mo?
Red? – Para maipakita mong daring at passionate ka?
Pink? – Para mas maging girlish at loveable ka?
Brown? – Para mas magmukhang mature at seryoso ka?
O gusto mo ng mas daring pa talaga? Mas wild? Iyong mga “out of the box” kumbaga?
Iyong kulay blue – para magmukhang nasa disco ka at nagsasayaw sa saliw ng maharot na musika.
Iyong kulay silver – para mukha kang fairy? Hehehe…. Silver fairy… o out of this world?
Iyong kulay green – para mas magmukhang malapit ka sa nature…
Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ang mga pinagsasabi ko sa itaas. Mas lalong hindi po ako tumutula! Iba-iba ang dahilan ng pagli-lipstick. Iyong iba, wala talagang dahilan…nakikisabay lang. Iyon. Kasi nga, pag nasa age ka na (meaning, dalaga ka na) marami sa mga kaedad mo, nagli-lipstick na. May iba-iba ring dahilan kung bakit mas gusto nila ang partikular na kulay. Ikaw rin ba?
Kapag ba lip gloss lang ang sinuot, simple ka o showy (kasi mas magiging shiny ang lips mo)?
Paano kung lip balm ang ginamit mo? Health conscious ka ba? Kasi, for dry at chapped lips iyon, eh.
Para sa akin… ang lipstick ang tumutulong sa akin para magawa kung mas maging totoo sa sarili ko. Ewan ko ba… Bakit mahilig ako sa lipstick? Bakit pink ang pinakagusto ko?
Hindi naman talaga ako palaayos. Ni hindi rin ako nagli-lipstick dati pa. Wala akong pakialam sa appearance ko. Kasi nga, hindi naman ako ganoon ka-confident dati. Hanggang ngayon, may kulang pa rin sa confidence ko. Pero hindi na kasing-lala ng noon.
Mas palaayos rin ang younger sister ko. Payat siya at sexy. Lagi kaming pinagkukumpara. Madalas kung sabihin, iba ako, maganda rin ako sa sarili kong paaralan. May shape rin ang katawan ko… shape rin naman ang bilog, diva? Heheheh…. Pero walats eh…Minsan, tinatablan pa rin ako ng insecurity. Ewan ko ba.
Then mahilig rin ako sa anime (bakit napunta rito ang usapan? Di ba lipstick ang topic?!) Isa sa mga anime na iyon, may nabanggit tungkol sa pagsusuot ng kolorete sa mukha. Hindi ko na matandaan ang exact words…
Ang sabi doon… ang make-up daw ay weapon nating mga babae. Kapag suot mo ito, hindi ka magdi-dare na umiyak. Ayaw mo naman sigurong kumalat ang halo-halong kulay sa mukha mo, ano? So yun, tinamaan ako.
Ano nga naman ang masama sa pagsusuot ng makeup?
Hindi nagtagal, unti-unti kong pinag-aralan ang paglalaagay niyon. Natuto akong mag-foundation at concealer, mag-eyeliner, mag-moisturizer, mag-contour ng kilay (kasi po minsan sinabihan ako ng sis ko na para na daw akong lalake sa kapal niyon) at marami pang iba.
Pero pinakanagustuhan ko ang paglalagay ng lipstick.
Paano kasi, mahilig ako sa Korean dramas (again, anong point ko rito?) Ang ganda ng mga lips nila. Mas magandda pa ang lips nung bidang lalaki sa lips ko! Noong mapanuod ko ang Queen Sheondeuk (tama ba ang spelling?) sa GMA 7, isa sa mga character na napansin ko ay si Lady Mishil. Ang ganda ng lips niya. Natural. Ang lambot tingnan. Parang very, very light orange ang kulay. Kissable talaga.
Hindi ako napakali. Gusto ko kung anuman ang lipstick na suot niya ay magkaroon rin ako. Humanap ako ng kulay na hawig iyon… wala. Sa bandang huli, isang orange na lipstick ang nabili ko. Ginagamit ko pa rin iyon hanggang ngayon. Nagsunud-sunod na ang pagbili-bili ko ng lipstick after that.
Hanggang mauso ang ang pink lipstick. Hay… una akong naakit sa lips ng main character na babae sa Korean Drama sa TV 5 na “My Wife is a Superwoman or Queen of Housewives”.
Now, ang pink na ang lagi kung suot. Iba’t ibang shades na ang nasa collection ko. Kahit wala akong suot na foundation, eyeliner, eyeshadow o simpleng pulbo…lagi akong naka-pink lipstick.
At napansin ko ang ilang pagbabago.
Mas nagiging confident ako. Feeling ko, ang ganda ko. Mas feel ko na iyong sinasabi ko dati na maganda ako sa sarili kong paraan.
![]() |
| BEING CONFIDENT |
Sabihin nang pathetic ako o hindi ninyoma-gets kung bakit ganito ang iniisip ko. Pero di ba, may mga babaeng mas confident kapag naka-high heel na shoes, nakatali ang buhok, nakasuot ng magarang damit – ganoon rin ang sa akin. Lipstick means higher confidence to myself. Sa mga lalaking nakakabasa nito, sasabihin siguro ng ilan sa inyo na kababawan lang ito. Tanong ko lang, ano ang silbi ng gel sa buhok ninyo o makintab na sapatos o kaya ay pinakabagong t-shirt at pantaloon? Pang-porma lang ba at pogi points? Di ba, for confidence din?
Bakit pink lipstick?
I don’t know. Kung ako ang tatanungin, katulad ng salitang I love you, gasgas na rin ang kulay na pink. Pink na hello kitty. Pink na tali sa buhok at headband. Pink na backpack para sa batang babae. Pink bilang feminine color. Kahit saan na tayo tumingin ngayon, uso ang pink. Pink nga rin ang main color ng opisina, delivery van at packaging ng 2Go Company, di ba?
Bakit nagustuhan ko ang pink?
Siguro, ang main reason ay dahil tinatawag itong feminine color. Pag tinanong ang mga batang babae (pati na rin ang mga hindi na bata at isip-bata) kung anong kulay gusto nila, agad na isasagot ng ilan, PINK!
Sabi ko nga earlier, hindi talaga ako conscious sa appearance ko. Madalas noon, makikita mo akong naka- simpleng TSHIRT, naka-PANTALOON ng MAONG, naka- slipper o shoes. Mapapagkamalan mo akong LALAKE! Dahil din mataba ako, mukha akong babaeng lalake ang kasarian ng puso minsan. May time nga, kasama ko ang sister ko sa J-bee (nick ko po sa fave fastfood restaurant ko), may narinig akong bulong. NA IKINAINIS KO NG SOBRA.
“Yuck, ang ganda pa naman. Pumatol sa TO>>blep<<OY!”
[Clear ko lang: HINDI ako ang tinawag na maganda. AT hindi rin ako ang sinabihan ng YUCK, hehehe… Pero ako daw ang ka-yuck-yuck na pinatulan ni ganda! Grrr!]
Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Napansin ko nga, medyo conscious na ang sis ko sa nangyayari kaya binilisan ko ang pagkain para makaalis na kami doon.
Grabe…pag-alis namin, ang sama ng loob ko. Hindi sa sis ko, ha? Sa sarili ko. Bakit ba ako ganito?
[Note: Hindi po ako against sa mga lalake at babaeng iba ang kasarian ng puso. Kaya, lang, babae po talaga ako no matter what I wear or how I look. Kaya ang mapagkamalang TO>>blep<<OY ay sadyang insulto sa akin. Isipin n’yo na lang kung kayo ang nasa kalagayan ko? Makakarinig ka ng ganoong bulong? Yuck daw! Or pagtitinginan ka ng mga tao dahil inubos mo ang lechon sa mesa at ang proof ay ang mansanas na nasa bunganga mo pa?!]
![]() |
Ugliness and the Judgmental Society - http://inequalitiesblog.wordpress.com |
Totoo nga yata talaga, mapangmata ang lipunan. Kahit gaano pa ka-pure ang puso mo, titingnan pa rin ang outside appearance mo. Mula noon, hindi na ako masyadong kasama ng sis ko sa pasyalan. Nagkalayo ang loob namin. TOTAL opposite na kaming dalawa. Magkaibang-magkaiba ang gusto namin. Parang hindi ko na siya kilala. Alam n’yo bang ako ang idol niya dati? Sunud-sunuran iyon sa akin, uy! Ang bilis talaga ng karma! (+ _ +)
Minsan rin, napapagkamalan akong mas matanda sa edad ko (22 pa lang ako, remember?). Ma’am, Madam, manang, nay, auntie, tita, ate. Ang saklap. Iyong mada’am o ma’am, tanggap ko pa – bilang paggalang sa customer, boss… the rest, hindi ko tanggap. Nasasaktan akew!!! Gosh, pag tiningnan ko naman ang mukha ng tumatawag sa akin nun… gusto kong magwala! Sino ba talaga ang mas matanda sa amin?! Ako? Ako?! AKO?!?!?!?!?!? Andun na iyon, eh. Hindi na ako pinagkamalang hindi babae. Tinawag na ako ng pambabaeng katawagan, eh. Kaso, pang-matanda naman! Hindi ko pa rin feel ang pagiging babae ko- isang babaeng 22 years old pa lang!
Alam ko sa sarili ko na babae talaga ako. And I know, yes, I know dapat hindi ko isipin kung ano ang tingin sa akin ng iba…pero nakaka-bother pa rin, eh. BUTI sana kung hindi ko naririnig. BUTI sana kong hindi ko alam na ganoon pala ang tingin nila sa akin. BUTI sana kung hindi ko alam na ganoon nga ang hitsura ko at kung ako ang nasa katawan ng taong nakakakita sa akin, eh, hindi rin ganoon ang iisipin o reaksyon ko! Ako mismo, alam ko. Unti-unti akong nagising. Ikaw ba naman ang makarinig at tingnan ng ganoon ng madalas?
Isa pa, gusto kong maipakita sa lahat… babae ako. BABAE. Isang importanteng miyembro ng siyudad. Nanay mo. Lola mo. Ate mo. Tita mo. President ng ilang bansa (nakadalawa na ang PILIPINAS, di ba? FYI: Former Presidents CORY AQUINO {deceased} and GLORIA MACAPAGAL AROYO {ummm, undecided}), miyembro ng senado, gabinete, etc. WOMEN EMPOWERMENT! Mabuhay! Marami na tayong naikontribusyon sa iba’t ibang larangan… kaya bakit ako nagtatago? Bakit Hindi ko ipinapakita ang pagiging babae ko? Isang indispensable member of the society and beyond! este eversince time immemorial pala…bweheheh. (Hello??? Hindi ipapanganak sina CAIN at ABEL kung wala si EVE, right?)
Kaya, napagpasyahan kung lumabas sa closet ko…I mean, itinapon ko na ang mga simple t-shirts at pants ko. TRANSLATION: PAMBAHAY NA LANG SILA. Bumili na ako ng skinny jeans, girl’s blouses, dresses, mga ipit, mga headband, pink na bag, pink na pamaypay. May pink hello kitty na rin ako. Joke lang. Basta, hindi na ako katulad ng dati.
![]() |
| Hindi po ako ang nasa picture!!!! Pero ang cute ng picture kaya sinali ko. Searched online po iyan |
Pink lipstick. Iyon ang weapon ko. Higit pa sa make-up o sapatos na may mataas na takong. Siguro darating din ang araw na makak-move on ako sa ibang bagay, ibang pang-lift ng self-confidence ko. Pero di ko malilimutan ang PINK LIPSTICK.
Proof na ang post na ito para di ko makalimutan. Ang pangatlo sa tatlong post ko sa unang buwan ko ng pagba-blogging.
I dedicate this piece to my PINK LIPSTICK. (Itong sinulat ko po ang idine-dedicate ko. Hindi iyang tinintingnan mo sa ibaba na mukhang krayola!)
/\
_ _/ \__
| P |
| I |
| N |
| K |
| | --> Lipstick ba ito o krayola na pinaglaruan ng sampung malilikot na kamay ng bata?!!
| Li | Sorry…jajaja…pinaghirapan ko iyan. Huwag sanang pagtawanan.
| PiS |
| TiK |
_|_____ _|_
|_______|
PINK Dictionary:
PINK (1)– pale, reddish color that, as a pigment, is formed by mixing red and white; plant with ragrant flowers; highest form e.g. the pink of perfection; pinks, plural;
<Eto nakaka-shock, guys> Light colored dress trousers formerly worn by US Army officers.
Slightly left-wing, relating to or holding political views that tend toward the left or Slightly Disapproving
In the Pink – in excellent physical health
PINK (2) – stab somebody. To prick somebody with a sword or other pointed weapon; to decorate something with little holes; cut fabric with pinking shears
PINK (3) – type of sailing ship
Pink bollworm – moth larva
Pink Dollar – spending power of gays and lesbians (used in N. America, New Zealand and Australia)(offensive term)
Pink Elephants – hallucinations due to alcohol or drug overuse
Pink Gin – gin with Angostura bitters giving it pinkish color and aromatic spicy flavor
Pink Lady – gin cocktail
Pink River Dolphin – S. American dolphin with pinkish color
Pink Salmon – small Pacific Salmon, Male Pink Salmons has this shade
Pink Slip – employment termination
Pink Collar – of jobs once done by women, referring to clerical jobs and others that are traditionally associated with women
Pinkeye – inflammation of eye
Pinkie – the little finger
![]() |
| http://www.2dsecurity.com/pink-weapons |
Mga tanong:
- Bilang babae, ano ang iyong pink lipstick? Ang bagay na nakakatulong sa iyo para maging confident?
- Nagsusuot ka ba ng lipstick? Bakit? Anong kulay? Anong brand >biro lang<?
- Sinabi kong ang makeup ang weapon nating mga babae. Kung disagree ka rito, ano ang dapat na weapon nating mga babae?
- Bakit sa tingin mo ipagpapasalamat natin kay Eva ang pagkakapanganak kina Cain at Abel?
- Ano ang WOMEN EMPOWERMENT? Magbigay ng mga sikat na babae na naging malaki ang kontribusyon sa lipunan at pwede nating maging inspirasyon?
- Sinabi kong isang feminine color ang pink. Alam mo rin ba ang flagship color ng Women’s Day? OO? Sige nga, bakit ang kulay na iyon? Ano ang meaning ng kulay na iyon? Kung hindi naman… I research mo na lang sa net, ha? Tutal naka-online ka na rin.
- Anong ang halaga mo bilang babae? Kahit babae pa ang gender mo, masasabi mo bang ikaw ay isang tunay na babae? Bakit?





Bakit December 20 ang date na naka-post ito???December 21 pa po ito, eh. :(
TumugonBurahin