Iyak – Entry #2 sa blog ni Miss Fat Lady
Lahat ng tao may kanya-kanyang sufferings na hinaharap. Hindi ako nakaligtas doon. Sa sobrang sakit nga, minsan gusto kong umiyak. Mas madalas, hindi ko magawa. In fact, mabibilang lang sa mga daliri ko ang mga pagkakataon na umiyak ako (I cried before pero kadalasan ay dahil lang iyon sa mga sad stories na nababasa o napapanood ko. Wag na rin nating isali ang mga iyak ko noong bata pa ako…noong wala pa akong malay sa mundo. Kasi nga…bata pa ako noon, di ba?)
Kung umiyak man ako, madalas, malalim ang dahilan. Ganoon ako, eh. Hindi ako expressive. Kahit sa sarili ko. Parang ang tingin ko sa pag-iyak, kahinaan. Waste of time. Gawain ng mga taong nagse-self-pity.
Pero may mga pagkakataon rin na kahit anong pigil kong pag-iyak…naiiyak pa rin ako. Ang mga pagkakataong iyon ang mga hindi ko makakalimutan. Paano kasi, nangyayari na may kaharap akong ibang tao. Na sinasamahan pa ng uhog at malakas na singhot. Napapapahiya ako sa mga pagkakataong iyon
.
Nasabi ko na ba kung ilang taon na ako? I’m only twenty-two. College. Management Accounting ang kurso ko, 4th year na irregular. Dapat, graduate na ako sa March 2012, eh. Alam nyo kung bakit hindi ako makaka-graduate kaagad? Kasi naging mahina ako.
Mga third year high school na ako nang mag-start magkagulo sa pamilya namin. Lahat naman ng pamilya, may gulo, di ba? Pero di ko akalain na mauuwi sa hiwalayan ang parents ko. Pero nagkabalikan rin sila… for the sake of their children. Mula sa mga panahong iyon hanggang ngayon- ay natuto akong maging matigas. That’s why may dalawang bagay ang natutunan ko:
- Wala kang aasahan kung hindi ang sarili mo. Sarili mo lang ang isipin mo. Huwag mong isipin ang iba dahil wala naman silang kwenta at hindi ka nila matutulungan. (na later on ay nalaman kong mali pala!)
- Huwag kang iiyak. Kahinaan iyan!
So, balik tayo sa third paragraph- ito ang continuation- :]
Eto ang mga pagkakataong umiyak ako na hindi ko na napigilan dahil parang sasabog na talaga ang dibdib ko:
- Sa Chowking branch dito sa amin, umaga, at dito kami nag-breakfast. I’m with my mother. Malapit nang maghiwalay ang parents ko nun. I told her all my troubles, disappointments, my fears. Dun, napaiyak na ako. And guess what? Hindi naman ako kinumfort (comfort) ng mader ko! Buti pa ang waiter na nandoon, parang naawa! Noong bumalik ako sa counter for reorder after ng crying session ko, siya pa ang nagtanong kung okay lang ako! [hindi ko na matandaan ang name niya o mukha nya pero alam kong badzinger-z siya! Thanks sa taong iyon! Hindi ako kilala pero mas concern pa siya!]
- Nung mag-away-away kami ng mga siblings ko. Hiwalay na ang parents ko nito. My mom went to live with her parents and my dad…well, busy siya sa negosyo. Umiyak ako - hindi ko na naman naiwasang isambulat ang laman ng puso ko. Hay….sinabihan lang ako na nagda-drama. Sheeet!
- Sa isang matinding argument with my dad. Hahaha…. Nag-walk out siya. Umaatungal na kasi ako na parang baka, eh! Ungaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Iyan ang mga pag-iyak na di ko malimutan. Iyan ang mga dahilan kung bakit sinabi kung kahinaan ang pag-iyak. Dahil pag umiyak ka, madi-disappoint ka lang. Maiinis ka lang dahil after mo umiyak, tatanungin mo ang sarili mo ng, “What the hell?! Tulo na ang sipon ko! Yuck!” hahaha….joke lang po. Feeling mo, mag-isa ka. Lahat ng tao ayaw makakita ng umiiyak. Iiwasan ka nila…o baka hindi rin nila alam ang gagawin sa iyo.
Pero naisip ko rin naman, kapag ako ang nasa sitwasyon nila…nakukunsensya ako at sinusubukan kong i-comfort sila, ah? Bakit sa akin, walang gumagawa nun? Panget ba ako umiyak? Hindi ba ako ka-aliw-aliw?
Disappointment. Na naman. Bakit ba kasi ito ang napili kong i-topic?! Wala na ba akong ibang maisip? Pinahirapan ko na naman ang sarili ko sa paggunita ng mapapanglaw alaala…(Uy! Lalim nun ah!Jejeje)
So iyon na ang conclusion nito… ang umiyak, mahina!
![]() |
| http://www.sodahead.com/living/do-you-think-crying-is-a-sign-of-weakness-or-strength/question-1096757/?page=2 |
Psssttt…
Hindi pa tapos.
Mali kasi ang prinsipyong iyon.
Nitong huli ko lang nalaman. Or rather, matagal ko nang narinig, o alam, pero di ko pinaniniwalaan.
Dahil ngayon, masasabi kong ang pag-iyak ang pinakamagandanng bagay na pwedeng gawin sa oras ng kahinaan.
Kasi tayong mga tao, mas nagpo-focus sa mga bagay na negatibo, iyong masama, iyong hindi maganda. Sa kaso ko, ang “hindi maganda” sa pag-iyak ang pinagtuunan ko ng pansin. Hindi ko naisip na sa pag-iyak, may kagandahan rin iyong maidudulot sa akin.
Weh?
Totoo talaga! Tingin kayo sa ibaba. Andiyan ang listahan ng kagandahang dulot ng pag-iyak:
- Mailalabas mo ang sama ng loob mo. Ang resulta? Hindi ka na galit sa mundo o bitter sa life.
- Kapag masaya ka, umiiyak ka. Kapag malungkot ka, umiiyak. Meaning, kapag umiiyak ka na, it’s either masaya ka o malungkot. Ewan ko lang kapag baliw ka at umiiyak – masaya ba iyon o malungkot? Ang conclusion - kapag hindi ka talaga umiiyak, eh, wala kang feelings. Pag wala kang feelings, eh, bato ka na mukha lang tao. Pag bato ka. eh, hindi ka talaga tao.
- Ang luha ang ultimate proof ng pagmamahal. Kaya pag may bf ka, takutin mo na iiwan mo o kay sabihin mo, may malala kang sakit. PAg umiyak iyan....mahal ka niya. HAHAHAHAHA! Biro lang ng kaunti pero totoo iyan para sa iba!
- Ang paglabas ng likido sa mata ay nakabubuti sa ating paningin. Malilinisan ang mga mata natin.
- Kapag napuwing ka at takot kang kalikutin ang mga mata mo, umiyak ka lang at mawa-wash-out din iyan!
- Mababawasan ang mental stress mo. Hindi ka mababaliw. Or mababawasan ang mga factor ng pagkabaliw ng isang normal na tao. <Peace sa mga totoong baliw….hehehe>
See?
Kaya nga, nagsisi ako, eh. Kung alam ko lang, matagal ko nang ginawa na iiyak ko ng kusa ang mga sakit na nararamdaman ko. Kahit ang karamay ko lang ay ang isang box ng tissue habang nanunuod ng Endless Love, Autumn in My Heart (Haha…grabe, kaiyak talaga! Nuorin niyo rin po!)
Pero warning lang… Huwag n’yo gawin ang mga nasa ibaba:
- Huwag na huwag humagulgol sa CR! Baka makapatay ka ng wala sa oras. Paano kung may asthma o sakit sa puso ang babaeng umiihi sa kabilang cubicle? O makalikha ka ng “Bathroom Ghost Story”? Iyon pala, ikaw ang nasa likod ng kuwento ng isang babaeng humahagulgol kuno sa CR sa… loob ng bahay nyo?! (Sa totoo lang, nakakarinig na rin ako ang umiiyak…wah! Dito sa loob ng classroom namin! Mag-isa pa naman ako ngayon dito! At totoo ang kuwento tungkol sa multo dito sa room na ito…wala eh, astig talaga ako. DI AKO TAKOT SA MULTO. Weh? Totoo. (O_O) <--- Kita nyo nga, nanlalaki at namumuti na ang mga mata ko…)
- Huwag umiyak sa loob ng sinehan! Baka mapagkamalan kang babaeng pinagtaksilan ng nobyo at ng bestfriend mo! Alam n’yo ang kantang “Sad Movies”? Oo, iyon nga!
- Huwag kang iiyak sa harap ng tatay mo bigla. Baka mapagkamalan kang nabuntis ng syota mo (kung babae ka)…o kaya ikaw ang nakabuntis ng syota mo (kung lalake ka)! Kung in-between naman ang kasarian ng puso mo…pasok loob ng room mo! Uy! Birooooo lang! Kung bading ka at nagtatago pa sa loob ng baul ng lola mo, wag, baka sapakin ka ni Dadidyud. Kung tombz ka naman… di ba lalaki tatay mo at lalaki ka rin? Dalawang lalaking nagyayakapan? Hehehe…okay lang iyon. Paps mo nama iyon!
- Huwag sa jeep, sa bus, o sa traysikel. Mahangin. Maalikabok. Masisira ang byuti mo! Dapat poise pa rin kahit umiyak ka!
- Huwag sa lamay ng hindi kakilala (halimbawa na lang ay kapag napadaan ka at bigla mong naalala ang pagkamatay ng alaga mong ______ na si _______. O kung wala kang alaga o ala-alang nakakaiyak kasi special child ka nga, isipin mo ulit ang kantang SAD MOVIES o DANCE WITH MY FATHER AGAIN o kaya ang BETTER DAYS! Jejeje. Nag-promote ba naman ng fave songs?) Baka mapagkamalan kang ano… alam n’yo na. Yung mitress o kaya anak sa labas. Bwehehe.
- <Insert suggestion here>
- <Insert suggestion here>
- <Insert suggestion here>
- <Insert suggestion here>
- <Insert suggestion here>
Tama na! Basta bahala na kayo.
Last na lang.
As a girl, may huling payo ako sa mga katulad kong babae (isali na rin natin ang mga lalaking ang puso ay katulad ng kay Evvvaaaa…)
![]() |
| http://www.loverofsadness.net/sad_picture.php?id=97 |
“Ang mga luha ng isang babae ay katulad ng isang perlas. Pambihira. Hindi madaling gapasin. Hindi madaling pakintabin. May tumulo mang luha, hindi iyon ang kanyang totoong luha. Humagulgol o umatungal man siya, hindi iyon ang totoo niyang pag-iyak. Titigan mo ang mga mata niya at doon mo makikita ang tunay na lalim at kahulugan ng bawat patak ng luha at hagulgol niya.” ---- originally from me iyan! Ewan ko lang may katulad pa iyan na quote. Wag sana akong makasuhan ng ano ba iyon? Forgets ko na, eh. Insert anser hir --> <__________>
As a boy… or for the boys…ah….hindi ako boy, eh.
Gawa na lang rin kayo ng para sa inyo na quote…. No offense. Namamanhid na kasi ang mga daliri ko sa pagta-type. Ubos na rin ang bitamina sa utak ko. Lahat nasa isinulat kong ito. OPO. Ganoon po ako ka-malnourished kahit mataba ako (kasi nga mas marami akong TABA!)
The end.
Mga Tanong:
- Sinong tao ang walang kinakaharap na problema at hindi umiiyak? Ikaw, naranasan mo na bang hindi umiyak dahil sa sibuyas?
- Sino ba talaga ang babaeng umiiyak sa loob ng klasrum namin? Madalas kong marinig eh...pag tiningnan ko naman, wala!
- Bakit mali na dapat ituring na isang kahinaan ang pag-iyak? Nagpapalakas ba ito sa atin? Bitamina ba ito?
- Anu-ano ang mga nakakasamang epekto ng pag-iyak?
- Bakit inihalintulad sa perlas ang luha ng isang babae? Bato ba ang lumalabas sa mata nila?
- Kung perlas pala, eh, puwede ba itong sisirin?
- Ano ang maipapayo mo sa mga taong iyakin?




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento