Hay, hay...di kaya masyado na akong late para sa bagong simula na ito?
Ni hindi ko alam kung paano magsisimula, eh. Sa totoo lang, nitong mga huling araw (sus! TAON kaya!) pakiramdam ko ay may kulang sa buhay ko. Habang tumatanda ako, lumalaki ng lumalaki iyon. Habang tumatagal, tumatakbo ng tumatakbo naman ako ng palayo. Hindi ko kasi ma-pin point!
Nitong huli lang (o baka matagal) na ay napagpasiyahan kong mag-internalize. Ano ba talaga ang problema ko? Bakit ganito pa rin ang buhay ko? Walang nagbabago! Walang asenso! Iyong plano kong pumayat, hindi ko nagawa! Iyong pag-iipon ko sana para makapag-lakwatsa sa kabilang ibayo ng mundo, wala! AS IN WALA! Kahit sentimo, WALA! NI WALA AKONG BANK ACCOUNT! Gosh! Kahiya, grabe! Bakit dito ko ito ipinagsisigawan?
SO HETO NA ANG RESULTA NG PAG-I-INTERNALIZE KO aka PAKIKIPAG_USAP KO SA SARILI NG MALAKAS AT NAPAGKAMALAN PA AKONG NABABALIW (dahil daw sa kawalan ng pera at lablyp! <hindi kaya!> SABI NG MAMA KO NA KASAMA KO SA KWARTO KO!):
- Wala akong bagay na nasimulan na tinapos ko. Kung natapos ko man, kulang o iyong tipong ikakukulot ng buhok mo sa <UM!> (oooppsss...sa kili-kili po iyan! Hahaha!)
- May nasimulan ako pero itinigil ko rin.
- Two months ago, nagsimula ako ng magsulat ng 30 THINGS TO DO BEFORE 2012 ENDS (short term palang iyan, ha?) at 100 THINGS TO DO BEFORE I DIE (hindi pa po ako mamatay! trip ko lang ang title eh)- wala pa sa 1% ang ginawa ko.... (pero kahit na...di ba may palabas yatang "1% of everything" ang title?)
- Tamad ako. Madaling mag-sawa.
- Ma-pride ako. Kaya pag na-criticize ang ginawa ko, magagalit ako. Worse, titigil ako.
- Iyon na nga...WALA akong LABLYP! Asar!
- Wala pa sa lima ang closest friends ko. (FYI lahat iyan sila, hindi ko rin nakaka-jamming! Grrr!!!)
- ______? Who is this? Who are you? --- opo...madali akong makalimutan! Another GRRRR!!!!
- Wala akong savings account! o kahit 500 man lang sa bangko!
- MATABA po ako! I have nothing against being on that side pero...aminin na natin...
- Ang mga matataba ang madaling targetin ng HIGHBLOOD, DIABETES, HEART PROBLEMS at iba pang sakit.
- Hindi mo maisuot ang mga uso ngayon.
- Kapag naubos ang lechon sa mesa, lahat sa iyo magtitinginan. Na siyang dapat...dahil nakasubo pa ang mansanas sa bibig mo.
- Tampulan ka ng tukso. Pag may bumibisita pag PASKO at BAGONG TAON- Uy, ang taba pa rin! Akin na lang ang spaghetti mo para di ka na tumaba, ha? - ang laging lalabas sa bibig. Pag dumaan ka sa harap ng mga bata... tatawagin kang...bakla! ay! este...BABOY! pala... hay...ang hirap maging JUBIS na katulad ko! Minsan...gusto ko nang mag-CRAYOLA! Bwahahaha...hindi ko keri, guys. Ancient na ba ang mga gay lingos na JUBIS (obese) at CRAYOLA (cry) na pinagsasasabi ko. Kainggit naman ang mga bakla, may sariling mundo! Ang mga katulad ko kaya, kaila? May Fat Lingo ba? or Chubby Lingo? Or Obese Lingo? hehehe. Eto pa... KYOTA (bata)! Mga pesteng KYOTA! Bakit hindi kayo tinuturuan ng parents n'yo??????? <kidding aside, I got all this gay lingos at CHITOBAKAMO's WEBLOG---visit it at chitobakamo.wordpress.com/2010/11/24/filipino-gay-lingo)
- Ano pa ba????? Marami pa, eh. Tanungin nyo na lang rin ang kasama ninyong mataba.
11. .......
12. zzzzz....
13. Hay...tama na. Tinatablan na ako ng hiya rito! *O*
Sabi nga sa kasabihan na paulit-ulit sinasabi ng mga teleserye, libro, balita, nina nanay, tatay, lolo, lola...at ako..LALO na AKO! --- Walang masama sa pagkakamali. Doon tayo natututo, eh? Di ba? Pero paano kung mahirap matuto? Paano kung hindi ka na makatayo?
So, hindi pa rin okay na magkamali. Dapat, may kasama ka. Karamay. Kapuso. Kapatid. Kapamilya. Ka....? Hmmm, meron naman ako ng mga iyon eh. Pero ewan ko ba...nasaan na ba sila?
Back to Bagong Simula sa Huling Buwan ng Taon... nabasa niyo naman ang number 1 sa listahan ng results ng pag-i-internalize ko, diva? Iyon mismo. Iyong mga di ko natapos o kinatatamaran kong tapusin, tatapusin ko na! Siyempre, may new list na ako ng 30 things to do at 100 things to do. Hindi ko na isasali iyong mga to do things tulad ng makapag-around the world o makaakyat sa Mt. Everest <) Sabi nila, mangangarap ka rin lang, doon ka na sa pinakamataas! Di ba mataas na ang Mt. Everest? Eh, ang trip around the world? Marami may pangarap niyon!
Kaso kehihirap abutin. Babaan ko na lang. Iyong madaling abutin at totoong makakapagpasaya sa akin. Iyong lesser ang efforts (tamad ako, eh) at konti ang gastos (wala nga ako kahit 500 hundred sa bangko noh!) Iyong, meaningful... iyong kahit mamatay pa ako, hindi ako magsisisi dahil nagawa ko kung ano ang gusto ko? Iyon iyon!
Gusto ko, Bago magtapos ang buwan at sa pagsisimula ng 2012, magawa ko nang baguhin ang sarili ko for the better. I'll be stronger. I'll be smiling more often. I will do what I want without regrets. I will...I will...be more slimmer. Ehem. May aangal???? Siyempre, Buburahin ko na ang mga negative traits ko. Ang mga ugaling nakakainis sa akin.
Isang bagong Simula. Isang bagong ako.
Quiz:
- May pag-asa pa ba akong magbago?
- Tama ba ang mga sinabi ko tungkol sa pagiging mataba?
- Bakit ngayon ko lang ito naisipan? O Sineryoso?
- Bakit dito pa sa blog na ito? Bakit hindi na lang sa personal diary ko ito i-post?
- Babae ba ako? O Lalake? O Lalakeng iba ang kasarian ng puso?
- Ano tawag sa ginagawang pagkausap sa sarili ng malakas kung saan mapapagkamalan pa akong baliw?
- Bakit ngayong magpa-Pasko at magne-NEW YEAR ko pa naisipang simulan ito? Bakit may pa-krismas-krismas pa ako, hindi naman ako mag-se-celebrate? Iba rin ang date ng bagong taon namin... Hindi naman ako Kristiyano? Hulaan niyo kung ano ang relihiyon ko?
- Anong magagawa ng Vision Board sa buhay ko?


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento