Linggo, Oktubre 28, 2012

Respeto, Mga Kapatid!




The moment na ipinanganak ako na mas maaga sa kanila, that means something, right?

Respeto. Di ba nga, sa movie na anak, naging issue iyon?

Ano  nga uli iyong line? "KUNG DI MO RIN LANG AKO KAYANG ITURING BILANG INA, RESPETUHIN MO NA LANG AKO BILANG TAO!"

Para sa akin, maraming uri ng respeto. Respeto sa iyo bilang tao. Magulang. Kapatid. Kaibigan. Katrabaho. Marami.

Ano ba talaga ang respeto? Kailangan ba talagang i-uh-earn iyan? Kailangan ba talagang patunayan mo ang respeto bago iyon maibigay sa iyo? Ibig sabihn ba, kapag bagong kilala mo pa lang ang tao, wala ka pang respeto sa kanya sa lagay na iyon dahil lang sa hindi pa niya napapatunayan sa iyo ang sarili niya?

Super.

Ang laking issue nito sa family namin this days. Especially sa aming magkakapatid. Apat kami, pero may asawa na yong matanda sa amin at hiwalay na ng tirahan. Kaming tatlo ang natira sa bahay namin. Ako ang second oldest. Isang taon at dalawang taon ang tanda ko sa dalawa ko pang kapatid.

Masakit sa akin na wala akong maramdamang respeto mula sa kanila. I have to prove myelf to the daw. Ang tanong, ano naman ang ipo-prove ko sa kanila, eh, in the first place, they're not willing to give it to me? Pride. Ma-pride sila. Porke kasi hindi naman nalalayo ang agwat namin sa edad, madali sa kanila na kalimutang mas matanda ako.

Simple lang naman ang hinihingi ko sa kanila, eh. Una, respeto sa aking bilang tao. Pangalawa, respeto sa akin bilang mas naunang ipinanganak. Pangatlo, bilang panganay sa kanila, irespeto nila iyon fact na kailangan muna nilang makinig sa akin bago nila i-judge ang mga sasabihin ko o gagawin ko. Eh, hindi eh. ANg sakit. Masakit isipin na iyong mga kadugo mo na makakasalo mo sa hirap in the future, ganoon ang trato sa iyo.

I tried solving it through confrontation. I asked them, 'bakit di n'yo ako magawang irespeto?'. Dapat daw, magpaka-ate daw muna ako. Ha! Akala nila diguro, madali maging ate sa mga bunsong hindi ka naman itinuturing na ate, no? HA! HA! Tinanong ko sila, anong klaseng ate ba ang gusto ninyo?

Iyong hindi bungangera?

Iyong tahimik lang?

Iyong linis, luto, laba tapos pasok sa kuwarto at matutulog na?

Ayaw nila ng ate na concern at tutulungan silang itama ang mali nila?

Gusto nila ang domesticated na ate sa halip na 'cool' na ate?

Ano ako, NANAY nila?

May nanay na kami, bakit gagampanan ko iyon?

Bakit hindi puwedeng mag-bonding kami na walang awayan, walang pikunan?

Bakit gusto nilang nang-aasar sila, expecting na smile lang ang sagot ko. While sila, konting -teasing-teasing lang, bad words kaagad ang labas sa bibig nila?

Nitong huli, sinabihan ko sila na huwag naman akong tawaging 'tanga' kung di naman iyon totoo. Na huwag sa bawat maliit na pagkakamaling magawa ko (tulad ng pagiging makakalimutin ko o miscalculation na nagawa ko), habangbuhay na pagkasira ng tingin nila sa akin ang katumbas. Na sa isang pagkakamali, wag naman nila gawing sampu. Hindi naman ako pumapatay. Kung magkamali man ako, ordinary lang. Katulad ng ibang tao, katulad NILA, nagkakamali ako. Hindi grabe, hindi magiging sanhi ng end of the world iyon, uy! Kaya bakit kung makahusga sila, wagas, lantay, tuluy-tuloy?????

Akala nila, mga magulang lang ang nagrereklamo? hindi no. Mga ATE at kuya rin. Ang mga bunso kasi, nakakalimutan ang heirarchy sa family. Kung wala si MAMA at PAPA, di ba, ang next in line sa authority, sina ATE at KUYA? Kung alam lang nila na masuwerte sila na may mas matanda sa kanila. Sa kaso ko kasi, maagang nag-asawa ang kuya ko. PAg school assignments, problems etc., alone ako. Hindi ko maasahan ang mga parents ko dahil busy sila. Masuwerte nga ang mga kapatid ko. Kasi, kasama nila ako. PAg may assignments, away-friends, teacher/school problems, o kahit iyong may mahingan lang ng masamang hangin mula sa puso nila, andyan ako.

Kaso, nakakalimutan nila iyon. Madaling matabunan. Pero sige, okay lang. Tiis-tiis na lang ako. Life, ganyan talaga!

Hay, nakahinga rin.

Bye... Bye...

Yours truly,

MFL

SANA MAY MAGSABI SA AKIN NITO:



http://disney.go.com/create/art/2gs11k6WUOob00001004ow00-g-16fac8

Huwebes, Agosto 30, 2012

Ikaw: Masayang Ala-ala ng Aking Kabataan - Entry #8 sa Blog ni Miss Fat Lady



http://smilesforscott.com/index.htm
http://www.glogster.com/starlight619/myglogster
Di ko maiwasang mangiti ngayon.

Kung narito ka sa tabi ko ngayon, tiyak kung itatanong mo kung bakit para akong tangang ngingiti na parang ewan. Hindi naman ako nanonood ng love story na may magandang ending. O comedy sitcoms. Hindi ko rin naman kaharap ang baby brother kung ubod ng cute. Ang magiging sagot ko: IKAW.


Mabilis at malakas na tibok ng puso.

Pisnging nagba-blush na parang pink lipstick.

Nagniningning na mga mata.

Isipang lumilipad sa isang pantasyang ikaw at ako ang starring role.

Pamilyar ba?

Ikaw ang sagot sa tanong mo. Ikaw ang dahilan ng ngiting ito.

Ngunit...

Ang ikaw na tinutukoy ko ay ang ikaw na mula sa ala-ala ng aking kabataan...

Kung itatanong mo kung ano ka na lang sa akin ngayon...

Isa ka na lamang ala-ala. Bahagi ng aking nakaraan na sa tuwina ay babalik-balikan ko. Isa kang masayang pagbabalik-tanaw. Salamat...

Sa Diyos na hinayaan kang maging bahagi ng buhay ko. Sa iyo dahil, lingid sa iyog kaalaman, binigyan mo ng kulay ang musmos kong mundo. Dahil ikaw ang dahilan ng aking pagngiti ngayon.. sa tuwing naalala ko ang mga nakakatuwang pantasya ko noon...

  
http://picture-book.com/node/8961

Sa batang isipan ko. ikaw ang aking prince charming. Ikaw rin si Superman at inililigtas mo ako sa tuwing may problema ko- maging sa mga pagkakataon na nag-aaway kami ng kami ng mga kapatid ko o pinapagalitan ako ng aking ina dala ng kakulitan ko, ikaw ang tagapagligtas ko. Hindi mo ako iniiwan at lagi kang nasa tabi ko este sa isipan ko pala!




Ikaw rin ang naging inspirasyon ko sa aking pagpasok sa eskwela araw-araw. Ikaw ang unang lalaking 'minahal' ko. Kahit di ko pa lubos na alam ang kahulugan niyon.

Naiisip ko, ano kaya kung nandito ka? Crush pa rin kaya kita? Ang crush kaya, mauuwi sa love? Cute ka pa rin ba? Ang cute ba noon, gwapo na ngayon? Mas pahahangain ba ako ng taglay na ganda ng pisikal mong anyo?

Nakakatuwa at nakakatawa ang mga pumapasok sa isipan ko ngayon.


Mahirap nga talagang mawala sa isipan ang mga bagay, pangyayari o taong nagkaroon ng impact sa buhay mo. Dahil mula sa isang masayang pagbabalik-tanaw, isang kakaibang damdamin ang nararamdaman ko. Hindi ko ito matukoy.

Kuryosidad?

Panghihinayang?

Pag-asam?

Mula sa sa simpleng ala-ala, maraming tanong ang nagsulputan.




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
superman and lois lane comic --- taken from http://www.comicvine.com/lois-lane/29-1808/all-images/108-198197/52062-bruce-timm/105-115996/

Linggo, Agosto 26, 2012

To Someone Special: Entry #7 sa Blog ni Miss Fat Lady





http://www.chains-and-charms.com/charms/love-marriage/someone-special.html


To Someone Special,

This is supposed to be a personal letter to you kaya di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nandito ito ngayon sa blog na ito. Maraming bagay akong gustong sabihin sa iyo. Mga bagay na di ko masabi ng harapan dahil alam kung baka di mo ako pakinggan o baka barahin mo lang ako. Pero more than that, andiyan din ang pride. You see, I’ve been rejected  many times before, in so many ways, in different situation. Kaya ngayon… ano nga ba iyong term? Napaso? Oo, iyon nga yata, ‘napaso’ na ako. I’ve been burned not once, not twice, but many, many times. Nagtataka nga ako kung bakit nakakapag-type pa ako ngayon at hindi na ako naging abo sa dami ng apoy na dumapo sa akin. Alam kung imposible rin na mabasa mo ito. Di ka naman nag-i-internet, mas lalong di mo alam ang tungkol sa blog na ito. No one knows about the real identity of Miss Fat Lady – ang alam lang nila, mataba siya- pero ilan bang tao sa mundo ang mataba? Mga taong naglalakad sa kalye nang hindi napapansin…

Ano ba ang sasabihin ko?

Marami, eh.

Baka pag nabasa mo ang simula pa lang, di mo na pakinggan. 

Alam mo bang natatakot ako?

Alam mo bang nasasaktan ako ngayon?

Alam mo bang nagagalit ako sa sarili ko?

Alam mo bang  pakiramdam ko ay isa akong putol na sanga ng puno na nasa ibabaw ng tubig, sumusunod lang sa agos?

Unti-unti, habang tumatagal, nawawalan ako ng kontrol- sa lahat. Sa sarili ko.

Alam mo ba ang nangyayari kapag lumalabas na ang luha sa mata mo? Ano ang makikita mo pagmulat mo habang nandoon pa ang mga luha?

Malabo. Ang labo ng nakikita ko. Sa napakaikling sandali, nararamdaman mo na nasa isang lugar ka na pamilyar sa iyo pero alam mong hindi ka nararapat roon. Gusto mong tumakbo… tumakas at maghanap ng mapagtataguan pero saan? Paano?

Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Alam mo iyon, alam ko ang nangyayari, pero di ko rin alam. Wala akong maintindihan. Nasasaktan ako, nalulungkot ako and at the same time, wala akong pakiramdam. 

Kung minsan, literal na akong nakakaramdam ng kirot sa puso ko. Natatakot na nga ako na baka sakit sa puso ang maging resulta nito, eh.

Ang sakit-sakit.

Paano ko sasabihin sa iyo ito?

Natatakot ako sa mga mangyayari. Ngayon pa lang, di ko na alam kung paano iha-handle ang manibela. Saang direksyon ba ako tutungo? Babagalan ko ba o bibilisan? Ang manibela lang ba ang hahawakan ko? Hindi ba puwedeng hawakan mo ang kamay ko habang nagmamaneho ako?

Alam ko, di mo ako naiintindihan. Alam ko, sarili mo lang ang kailangan mong isipin. Pero sana… kahit ganoon, maalala mo pa rin na mahal kita, ha???? Na kahit na anong mangyari, kahit alam kong kulang ang kakayanan ko ngayon, kahit alam kong marami akong pagkukulang- kung kaya ko lang, gusto kong mapabuti ka. Sana ay huwag mong masamain ang lahat ng sinasabi ko o pag-aalala ko. Sana ay magawa mo ring buksan ang puso mo at hayaan itong makinig, sa halip na ang iyong sarili at sakit na dinaranas isipin lang.

Nahihirapan na ako. 

Pakiramdam ko ay may napakaraming rehas na nakapa-ikot sa akin.  Hindi ako makawala…


http://communities.washingtontimes.com/neighborhood/autism-unexpected/2011/jul/13/what-say-parents-children-autism/



Sincerely,

Miss Fat Lady



http://www.redbubble.com/people/pamelajophoto/works/2479445-anyone-can-catch-your-eye-but-it-takes-someone-special-to-catch-your-heart

 Habang nagwi-window shop ako online, nakita ko ito. Let me share this beautiful work to you. This is what I feel right now... thanks to this 'poem', I don't have to write my own any more. :)

http://2pachr.forumotion.com/t4-poezija-iii

The Mutual Heartache

Introduced with innocence
who would have ever guessed
that u were the one I had
been so desperately searching 4
u talk as I do but yet u don't
understand when I mumble
u c as I do but your vision is
blurred by naivete
This is the barrier that separates us
I cannot cross yet
There is 2 much of me that
would frighten u so I live in
heartache because we cannot
fully explore this love and
what of your heartache
Does it feel as sharp as mine
No matter where I go or how long it takes
I will never recover from this mutual heartache.

 You can visit the site too. Marami pang magagandang gawa roon ang may gawa ng tulang ito. Nasa ibaba lang ng image ang link.

Thanks for reading this guys. :)