Lunes, Disyembre 26, 2011

Ina/Mom : Entry #6 sa Blog ni Miss Fat Lady

http://www.wpclipart.com/page_frames/background_pages/card_covers/Mother_and_child_silhouette_card_face.png.html

Hindi pa ako umiibig. Sa isang lalaki. Antagal na since nung maramdaman ko iyong kilig, pamumula ng pisngi pag andiyan siya, yung palagi mo siyang iisipin tapos, mananaginip ka na ikaw si Cinderella, magsasayaw kayo… crush lang iyon. It never lasted long. Ni hindi ng umaabot ng buwan, wala na iyong feelings na iyon.

Drama ko no?

Tama, eh. Magdadrama talaga ako ngayon!

Dahil wala akong lablyp, kapag tinanong ako kung sino ang first love, true love, current love, whateva love ko- obvious ana ang family ko ang isasagot ko.

Remember those times na usung-uso ang pagsasagot ng Autobiography (ba yon?)? May isang tanong doon kung sino ang first love mo at sino ang first kiss mo. Syempre, si mama at papa ang isasagot, di ba? Kais nga mga babes pa tayo nun, di mo pa talaga masasagot iyon. Well, maliban na lang kung bata ka pa, eh, lumalandi ka na! Shy na shy po ako nung mga panahong iyon…

I dedicate this piece of writing to my beloved alma mater…I mean, Alma mader! Ang gulo! Sa MOTHER ko po! [Alma mater= lugar kung saan ang isang katawang lupa ay binigyan ng edukasyon para ito ay maging tao) Senxa na po sa lame na joke. JAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJA!

Saka na po iyong para sa tatay, kuya, sa sis ko, at sa bunso namin na kamukha ng isang sikat na bubuyog pero lamang lang ng konting paligo kaya siyempre, mas guwapo siya!

Kung marunong lang sigurong mag-net ang nanay ko at makita ito… ewan ko! Who knows kung ano ang mapi-feel niya, di ba? Baka habulin ako nun ng… insulin injection niya dahil na-feature ko siya dito! Hahaha! Pero walang halong biro ha? Mahal ko ang mother ko. Lahat naman siguro ng anak, ganoon di ba?

Para mas madali at di maubos kaagad maubos ang mga bitamina sa malnourished kong utak, naghanap na lang ako ng mga tula na babagay sa mga sasabihin ko dapat sa kanya. Gumawa rin ako ng sa akin…pero wag n’yo muna i-scroll down okay?


http://www.justquotes.org/mother-quotes-11.html

Mom, If I Could,
I’d Give You the World…

I wish I could build you that
dream home that you’ve always wanted.
I will fill it with your favorite people
and your happiest memories.

I wish I could take back all those times
when I hurt your feelings or let you down.
I would exchange them with words like,
“I love you” or “I’m so glad you’re my mom.”

I wish I could guarantee that we’d have
all the tomorrows we’d ever want,
and all the time we’d ever need to celebrate
and enjoy our great relationship.

But I can’t build you your dream home
or change the past
or predict the future.

So I will just tell you how much I love
the person you are,
what an unforgettable, wonderful influence
you’ve had on my life, and how very glad I am
that you’re my mother.
-Debra Elliot-

Kapag bata pa tayo, palagi sasabihin ng ating mga teachers na dapat mag-aral tayong mabuti at para paglaki natin, makahanap tayo ng trabaho. (naak-italicised kasi di ako agree na work lang ang maging option paglaki, kaso, ito talaga ang itinuturo sa school, eh. Nyways, baka gumawa rin ako ng article about this in the future.) Pag nakahanap na tayo ng trabaho at may pera na, puwede mo nang ibalik sa mga magulang mo ang mga bagay na pinaghirapan mo, di ba? Siyempre, dapat love mo rin ang parents mo bilang kapalit ng pagmamahal nila sa iyo.

Pangarap ko na maibigay sa mom ko ang mga bagay na pangarap niya. Nung nagkaroon kasi ng gulo sa family namin, naging malabo na ang bagay na ito. Dati, sila ng father ko ang nangangarap ng mga…ganun. Ngayon, wala na. Nakakahinayang. Nakakasama ng loob. Alam ko, isa ang mga bagay na iyon sa iniiyak niya sa gabi. Ang mga naunsiyaming pangarap…

Pero ako man ay hindi na siguro iyon matutupad. Or maybe, baka matatagalan pa…pero sana…




I Know It Isn’t Always Easy
Being My Mom

I always feel so good about having
someone as wonderful as you
as my very own mother.

But there are times when
I feel badly about the things
I put you through.

Mom, I didn’t mean to do anything that
upsets you or makes you worry about me.
But I know that there are times
when I haven’t been all I should be.
I know that you care so much because you love me.
And because you only want what’s best.

So let me tell you how sorry I am
for any time I’ve ever let you down.
and let me think you for bringing me up
in the sweetest and most caring way anyone ever could
-Barin Taylor-

Pero sabi nga nila, walang perpektong nilalang. Walang perpektong ina. Mas lalong walang perpektong anak. Lahat ng mga anak, nagkakasala sa kanilang mga magulang. Dapat, pagkatapos ng sagutan (o sigawan), pagsuway, dis-agreements- dapat na ibaba natin ang mga pride natin. Tayo na lang ang magpasensiya. Ang humingi ng tawad. Minsan, nasabi ng nanay ko, dapat daw every Friday ay mag-sorry at magthanks ako sa kanya. Dahil ang katotohanang pinili ng ina na buhayin ka sa mundo, dapat nang ipagpasalamat.

Pero minsan, nakakapagod rin para sa ating mga anak, di ba? Expectation, trying to live up to their standars… manahimik at huwag gumawa ng kalokohan, sabihin ang nasa loob mo (na hindi daw dapat), di ka pakikinggan dahil bata ka pa, di ka iku-consider dahil nga palamunin ka nga lang… minsan, napapagod rin tayo…



Three Things I Want to Ask of You…

I know I’ve hurt you many times
There is no excuse for that
That alone could make me be considered a bad daughter.
But I want to tell you, Mom
That my heart feels that  pain too.

You said you have all the problems on your shoulders
And that it’s a tiresome burden
But do you know?
My heart’s about to explode for the things in it
That I can’t tell you.

I’ve seen you cry on your bed many times
For a thousand of reasons,
But you have to know,
I’ve been crying too.

You said you can’t forgive me for
Not being the daughter I should have been.
But I can’t forgive you more
For doing this to yourself.

You’re so weak.
You’re so pathetic.
You complain so much.
You make it hard for me to take care of you.
You make me want to hate you.
You make me want to forget I love you…

But despite all of it,
Bad daughter I may be for you,
You’re still my mother.
Even if my heart’s taken from me,
I’ll still continue loving you.

Call me selfish now for the next things I’ll say,
But can I ask for three things from you?


Please be strong for me.



Please be patient to me.



Please keep on loving me.
-Miss Fat Lady




Totoo nga yata ang sinasabi ng iba, na kung sino pa iyong mahal mo, eh, sila pa iyong makakasakit sa iyo ng todo. Nasasaktan ako sa kalagayan niya, sa ginagawa niya sa sarili niya. I wanted to help her. Pero unti-unti na akong napapagod. Gusto kong… asikasuhin ang sarili. Isipin muna ang sarili ko lang. Pero di ko magawa. Paano kasi, sa bawat pangarap na isinusulat ko, kasama siya. Siya ang inspirasyon ko (kasama na ang ibang kapamilya ko). Pero kung ang inspirasyon mong iyon ay ayaw maging inspirasyon mo, anong gagawin mo? Paano kung kahit anong gawin mo, unti-unti niyang sinisira ang sarili niya? Hindi na siya nangangarap. Pero gusto ko pang mangarap.

Ang hiling ko lang, sana ay magising na siya. Dahil gustuhin ko mang tulungan siya, tanging siya lang ang makakasagip sa sarili niya.




Note:

I Know It Isn’t Always Easy Being My Mom by Barin Taylor and Mom, If I Could, I’d Give You the World by Debra Elliot are all taken from the book I Love You, Mom (A Blue Mountain Arts Collection About Having Life’s Greatest Gift… Having a Mom Like You) Edited by Gary Morris.

May ibang title din po ang book na ito. Lahat po ito ay compilations ng mga tula na nakaka-inspire. Parang katulad ng Chicken Soup books, iyon nga lang, tula ang nasa loob at hindi stories. Kung meron nito sa mga malls malapit sa inyo, bilhin nyo na, pramis, di kayo magsisisi!

Merry Christmas! And Advance Happy New Year~


Biyernes, Disyembre 23, 2011

Si Juana Katamaran 1 - Entry #5 sa Blog ni Miss Fat Lady




Episode 1: Ang Mga Pangunahing Karakter


Part 1: Ang Kabigatan ng Pang-Ms. Unibers na Body ni JUANA




Muzta na? Ako si Juana Katamaran.

Pok!

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz*snore*zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz*snore*zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
<mag-iinat si Juana. Gising na siya. Iyong pok! na narinig pala kanina ay tunog ng ulong bumagsak sa lamesa kasi hindi na kinaya ni Juana ang bigat ng ulo niya>

Anong oras na, mga repapipz? Bakit wala nang tao?

<tumayo si Juana. Tinungo ang pinto ng klasrum. After 30 minutes…>

Hala! Naka-lock! <walang buhay niyang sabi. Tumutulo pa ang laway niya pero di na niya pinahid. Ang bigat kasi ng relong nasa left hand niya. Yung right hand naman niya, nakahawak sa seradura ng pinto. Dila na lang niya ang ipampapahid niya. Lasang laway pa rin naman, eh. Tsaka, sa kanya naman iyong laway. Ultimo mga germs, siya ang amo nila!>

Paano ako uuwi?  Di pa ako tapos i-read Adbentyurs ni Juan Tamad tsaka mayang 4:30 na Mr. Bean…

<laylay ang balikat na bumalik si Juana sa upuan.. After 30 minutes, nakaupo na siya>

Hay… gutom na ako. Three days pa ako no eat matinong food.

<naalala ni Juana ang galunggong na isda na itinago ng nanay niya sa itaas ng aparador niya na nababalutan ng tatlong selopin na ipinasok sa lata ng sardinas na naka-scotch tape pa para di mabuksan ng mga daga bago ito nagbakasyon sa BORACAY. Mga halimaw kasi ang mga daga sa kwarto ni Juana. Ilang selopin na ng rat killer ang naubos niya pero ang dami pa ring daga. Ang hihilig kasi kaya anak tuloy ng anak!>

Kung alam ko lang na makukulong ako dito sa room, kinain ko na lang iyon.

<Kaya lang, ang taas ng cabinet niya. Mabigat ang bangkong papatungan niya tapos kailangan pa niyang tanggalin iyong scotch tape sa lata, tapos iyong tatlong selopin sa galunggong. Bakit pa siya magpapakahirap? Galunggong lang iyon. Ang cheap! Baka nga panis na iyon, eh. Tapos, papainitan pa niya iyon sa kalan para mas masarap pag mainit. Pero paano kung matalsikan siya ng mantika?! Ang skin niya, baka magka-rashes. Allergic siya sa mga maiinit na bagay. Ganun siya ka-sensitive.>

<Kailangan na talaga niyang umalis. Magdidilim na. Inabot niya ang bag niya pero nahulog iyon. Kumunot noo niya. Anong dapat niyang gawin sa bag?>

Sasakit lang likod ko.

<sabi lang niya. Kaya ayun, inilusot na lang niya ang isang paa sa sling ng bag tapos tumayo na siya. Nakita niya ang bintana ng klasrum ba bukas. After 30 minutes, sa wakas, narating rin niya ang bintana  hila-hila pa rin sa paa ang bag.>

Hindi ko kaya. Ang taas. Sasakit balakang ko.

<sabi niya pagkakita sa labas at kung gaano kataas ang aakyatin niya pababa. Nang dumaan ang kaklase niyang si Pepito LotoNgLoto. Nakita si Juana. Ngumiti ng malapad. Kita tuloy ang dalawang bugs bunny teeths niya. Namula parang kamatis ang pisngi niya. Crush niya si Juana, eh>

O, Juana, my labs! Bakit andyan ka pa? Di ka pa uuwi?

Naka-lock pinto. Kaya talon sana ako dito bintana pero ‘syado taas. Sasakit balakang ko pag talon ako. ‘Yaw ko saktan body ko pang-Ms. Unibers.

Ha? Paano ka masasaktan? Nasa first floor lang naman room natin kasi first year pa tayo, di ba?

Kahit na.

Sige, ganito na lang. <Lumapit si Pepito LotoNgLoto sa labs ng world niya> Kapit ka sa akin tapos ilalabas kita diyan sa bintana.

T.Y. <sabi ni Juana, nakayuko at pa-shake-shake pa ang katawan na parang nahihiya. Crush rin niya si Pepito LotoNgLoto.> Umm…Uwi na ko.

Sige, my labs. Pwede ba ako dumalaw sa inyo sa Sabado?

Ummm…tsige. Pero dapat dala ka food. ‘Yaw ni nay wala dala tsutor ko, eh.

Sige. Don’t worry. Dalahan kita ng lechon manok, pampahaba ng buhay. Una na ako. Itataya ko pa bente pesos baka manalo ako at mabilhan kita manok galing Max’s!

<Umuwi na nga sila pareho>

 __________________________________________________________________________________

Miss Fat Lady’s Note: Aaaaaaahaaaaayyyyy!  Antok na ako. Antagal pa kasi dumating ni Juana sa bahay nila!

 __________________________________________________________________________________

Part 2 (last part): Magkano ang Expenses sa Bakasyon sa AMANPULO ISLAND?


<after two hours, nakauwi na si Juana. Ambilis niya nakauwi. Nasa likod lang kasi ng school ang kubo nila.>
Juana! Anak! Kumusta na?! Long time no see! My beybi! Mwah!

Nay, gutom na me. Pero musta naman po vacation nyo Bora?

Naku, graveeee. Ang bongga! Nag-banana boat ride ako tapos island hopping tapos kumain ako sa restaurants doon! Graveeee! Worth it ang lahat ng mga naipon ko! Hay!

Kaiinggit kayo, nay. Gusto ko rin punta Bora!

Ten years, anak! Ten years. Pwede na. Mag-janetress ka sa school nyo ng isang taon. Ikaw pumalit sa akin after you gradweyt HS, ok?  Dapat masipag ka.Para ma-promote kang  head janitress. Mas malaki ang sweldo nun tapos mas malaki na maiipon mo!

Galing n’yo, Nay! <sabay yakap niya sa nanay niya>

Ako pa! Pero anak, narinig ko, mas maganda raw iyong Amanpulo Island? Gusto ko dun. Magkano kaya ang kailangan ko para makapunta roon? Pag-iipunan ko?

Yaan nyo Nay. Search ko po sa net. Pero akin rinig mahal dun. 2 lives n’yo di kasya para makapunta dun. Pambili food…baka ten years. Bayad hotel, ten years. Para sa iba services nila, kelangan, ten years uli! Low estimate pa yun nay…wala pa research! Tsaka, pamasahe rin po, ten years din!

<nalungkot ang Nay ni Juana.>

Ay! Ganoon ba, anak? Sayang naman. Patay na pala ako, kulang pa panggastos sa pagkain. Sayang. Sayang talaga. Pero ikaw Juana, may chance ka pa. Huwag palagpasin ang oportunidad. Pagtrabahuan mo iyan! Worth it ang forty years mo dun! I-forget mo na lang BORA-BORA!

‘ge po.Try ko. Tulog po muna ko…


<Pumasok na si Juana sa room niya na inabot ng karagdagang 30 minutes at natulog sa ilalim ng santambak na walang labang mga damit.>

End.  For Now. <Ang hirap kasi gisingin ni JUANA!!!!!!!!!!!!!!!>


___________________________________________________________________________________

Miss Fat Lady’s Note: Haha! Sinaniban ako ng Espiritu ng Kaeng-engan! Ano ba pumasok sa isip ko at sinulat ko ito? May sense ba sa inyo????


Pero ABANGAN  ang EPISODE 2 Abutin ang Pangarap: Part 1: Nang Kainin Ni Juana ang Galunggong, Part 2: Si Juana, Ang Masipag na Janitress!


Matagal pa matutulog  pa si Juana sa sobrang kapaguran. Wawa naman ang ating bida, guys. Pagbigyan ko na lang siya….

___________________________________________________________________________________


Huwebes, Disyembre 22, 2011

Smile– Entry #4 sa blog ni Miss Fat Lady


4.1  Smile at Yourself

To Smile or Not to Smile

One day, a friend asked me to eat lunch with her at the school canteen. After ordering, we found a vacant seat and ate sumptuously. Whilst eating, she was telling me stories, some funny, some were sad. All of which, I just stayed listening, nodding and answering when my opinion is asked.

I was puzzled when she stopped eating. She was frowning. I asked, “Is something wrong?”

She said “nothing” and resumed eating. But a few minutes after that, I noticed her fidgeting. She was looking at me and then at her food and vice-versa. A bit irritated, I asked her for the second time what was wrong.

“You know, you should smile often.” She said hesitantly, probably afraid that I will get angry.

“Often?”

“Hmmm… okay, at least once…a day.” She looked me in the eye and continued. “You know, a smile can make you feel good.”

“And maybe if I smile at someone who’s having a bad day, I could make a difference and make her feel good. My smile could be the only good thing that happened to her that day.” I added with a rather skeptic make-face. “Yeah, I know that. Cliché.”

My friend only smiled. “I know you’re just shy. When I said smile at least once a day, I didn’t say to smile at other people. I was about to add, to face the mirror alone and give yourself a wide and bright smile.”


I laughed. Deep inside, I was starting to feel…uncomfortable. “Why should I do that?”

“’Cause my friend, if you can’t smile even at yourself, how are you going to give your smile to others?”

-        ------>  Miss Fat Lady

4.2 Ngumiti (THE Song)

Ngumiti, kahit puso mo’y kumikirot na.
Ngumiti, kahit puso mo’y nababasag na.
Kung may ulap sa langit, makakaya mo
Kapag ngumiti sa problems at sadness
Ngumiti at malay mo bukas
Makikita mo ang araw, may ngiti para sa’yo

Ilawan ang mukha ng kagalakan

Itago ang landas ng lumbay
Kahit gusto mo nang lumuha
Yan ang oras ng hindi pagsuko
Ngiti, anong silbi ng luha?
Makikita mo’ng ganda ng buhay
Kung ngingiti ka lang ~~

Kung ngingiti ka lang ~~~

Ø  Translated by Miss Fat Lady

Opo. OPO. Iyan nga po ang sarili kong Tagalog translation ng kantang SMILE. Pero huwag na kayong umasang magra-rhyme iyan sa melody ng magandang awitin. Mabubulol lang kayo. Sinubukan ko, hindi ko nagawa. Ha! Gusto n’yong marinig ang boses ko habang kinakanta iyan? Sige…pero kailangan walang headset. Baka masira eardrums n’yo.

Smile ~~~ Smile~~~ Smile~~~


Currently listening to: MJ’s I Just can’t Stop Loving You & BJ’s Always. Ganda ng mga kanta. Kahit luma na at  de-ceased na yung una at ang isa naman ay… gurang na pero yummy. JEJEJEJE… Walang aangal!


Note: I do not own any of the pictures included in this page. Just for future references, I included where I got the photos below:

 http://www.123rf.com/photo_6098075_drawing-a-girl-sitting-in-front-of-the-mirror.html

www.chibird.com --- I particularly like this site!



Martes, Disyembre 20, 2011

PiNk LiPsTicK – Entry #3 sa Blog ni Miss Fat Lady


Bilang babae, ano ang silbi ng isang lipstick?
Pang-kulay ng labi?
Pang-korte ng labi?
Para mas maging kissable ang lips mo?
O simpleng…wala lang. Basta, may nakalagay lang sa lips mo?
May mas malalim pa bang dahilan ang lipstick sa iyo?
May sinisimbulo ba ito sa iyo?

Anong kulay ng lipstick ang paborito mo?
Red? – Para maipakita mong daring at passionate ka?
Pink? – Para mas maging girlish at loveable ka?
Brown? – Para mas magmukhang mature at seryoso ka?

O gusto mo ng mas daring pa talaga? Mas wild? Iyong mga “out of the box” kumbaga?
Iyong kulay blue – para magmukhang nasa disco ka at nagsasayaw sa saliw ng maharot na musika.
Iyong kulay silver – para mukha kang fairy?  Hehehe…. Silver fairy… o out of this world?
Iyong kulay green – para mas magmukhang malapit ka sa nature…

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ang mga pinagsasabi ko sa itaas. Mas lalong hindi po ako tumutula! Iba-iba ang dahilan ng pagli-lipstick. Iyong iba, wala talagang dahilan…nakikisabay lang. Iyon. Kasi nga, pag nasa age ka na (meaning, dalaga ka na) marami sa mga kaedad mo, nagli-lipstick na. May iba-iba ring dahilan kung bakit mas gusto nila ang partikular na kulay. Ikaw rin ba?

Kapag ba lip gloss lang ang sinuot, simple ka o showy (kasi mas magiging shiny ang lips mo)?
Paano kung lip balm ang ginamit mo? Health conscious ka ba? Kasi, for dry at chapped lips iyon, eh.

Para sa akin… ang lipstick ang tumutulong sa akin para magawa kung mas maging totoo sa sarili ko. Ewan ko ba… Bakit mahilig ako sa lipstick? Bakit pink ang pinakagusto ko?

Hindi naman talaga ako palaayos. Ni hindi rin ako nagli-lipstick dati pa. Wala akong pakialam sa appearance ko. Kasi nga, hindi naman ako ganoon ka-confident dati. Hanggang ngayon, may kulang pa rin sa confidence  ko. Pero hindi na kasing-lala ng noon.

Mas palaayos rin ang younger sister ko. Payat siya at sexy. Lagi kaming pinagkukumpara. Madalas kung sabihin, iba ako, maganda rin ako sa sarili kong paaralan. May shape rin ang katawan ko… shape rin naman ang bilog, diva? Heheheh…. Pero walats eh…Minsan, tinatablan pa rin ako ng insecurity. Ewan ko ba.

Then mahilig rin ako sa anime (bakit napunta rito ang usapan? Di ba lipstick ang topic?!)  Isa sa mga anime na iyon, may nabanggit tungkol sa pagsusuot ng kolorete sa mukha. Hindi ko na matandaan ang exact words…
Ang sabi doon… ang make-up daw ay weapon nating mga babae.  Kapag suot mo ito, hindi ka magdi-dare na umiyak. Ayaw mo naman sigurong kumalat ang halo-halong kulay sa mukha mo, ano?  So yun, tinamaan ako.

Ano nga naman ang masama sa pagsusuot ng makeup?

Hindi nagtagal, unti-unti kong pinag-aralan ang paglalaagay niyon. Natuto akong mag-foundation at concealer, mag-eyeliner, mag-moisturizer, mag-contour ng kilay (kasi po minsan sinabihan ako ng sis ko na para na daw akong lalake sa kapal niyon) at marami pang iba.

Pero pinakanagustuhan ko ang paglalagay ng lipstick.

Paano kasi, mahilig ako sa Korean dramas (again, anong point ko rito?) Ang ganda ng mga lips nila. Mas magandda pa ang lips nung bidang lalaki sa lips ko! Noong mapanuod ko ang Queen Sheondeuk (tama ba ang spelling?) sa GMA 7, isa sa mga character na napansin ko ay si Lady Mishil. Ang ganda ng lips niya. Natural. Ang lambot tingnan. Parang very, very light orange ang kulay. Kissable talaga.

Hindi ako napakali. Gusto ko kung anuman ang lipstick na suot niya ay magkaroon rin ako. Humanap ako ng kulay na hawig iyon… wala. Sa bandang huli, isang orange na lipstick ang nabili ko. Ginagamit ko pa rin iyon hanggang ngayon. Nagsunud-sunod na ang pagbili-bili ko ng lipstick after that.

Hanggang mauso ang ang pink lipstick. Hay… una akong naakit sa lips ng main character na babae sa Korean Drama sa TV 5 na “My Wife is a Superwoman or Queen of Housewives”.

Now, ang pink na ang lagi kung suot. Iba’t ibang shades na ang nasa collection ko. Kahit wala akong suot na foundation, eyeliner, eyeshadow o simpleng pulbo…lagi akong naka-pink lipstick.

At napansin ko ang ilang pagbabago.

Mas nagiging confident ako. Feeling ko, ang ganda ko. Mas feel ko na iyong sinasabi ko dati na maganda ako sa sarili kong paraan.
BEING CONFIDENT


Sabihin nang pathetic ako o hindi ninyoma-gets kung bakit ganito ang iniisip ko. Pero di ba, may mga babaeng mas confident kapag naka-high heel na shoes, nakatali ang buhok, nakasuot ng magarang damit – ganoon rin ang sa akin. Lipstick means higher confidence to myself. Sa mga lalaking nakakabasa nito, sasabihin siguro ng ilan sa inyo na kababawan lang ito. Tanong ko lang, ano ang silbi ng gel sa buhok ninyo o makintab na sapatos o kaya ay pinakabagong t-shirt at pantaloon? Pang-porma lang ba at pogi points? Di ba, for confidence din?

Bakit pink lipstick?

I don’t know. Kung ako ang tatanungin, katulad ng salitang I love you, gasgas na rin ang kulay na pink. Pink na hello kitty. Pink na tali sa buhok at headband. Pink na backpack para sa batang babae. Pink bilang feminine color. Kahit saan na tayo tumingin ngayon, uso ang pink.  Pink nga rin ang main color ng opisina, delivery van at packaging ng 2Go Company, di ba?

Bakit nagustuhan ko ang pink?

Siguro, ang main reason ay dahil tinatawag itong feminine color. Pag tinanong ang mga batang babae (pati na rin ang mga hindi na bata at isip-bata) kung anong kulay gusto nila, agad na isasagot ng ilan, PINK!

Sabi ko nga earlier, hindi talaga ako conscious sa appearance ko. Madalas noon, makikita mo akong naka- simpleng TSHIRT, naka-PANTALOON ng MAONG, naka- slipper o shoes. Mapapagkamalan mo akong LALAKE! Dahil din mataba ako, mukha akong babaeng lalake ang kasarian ng puso minsan. May time  nga, kasama ko ang sister ko sa J-bee (nick ko po sa fave fastfood restaurant ko), may narinig akong bulong. NA IKINAINIS KO NG SOBRA.

“Yuck, ang ganda pa naman. Pumatol sa TO>>blep<<OY!” 

 [Clear ko lang: HINDI ako ang tinawag na maganda. AT hindi rin ako ang sinabihan ng YUCK, hehehe… Pero ako daw ang ka-yuck-yuck na pinatulan ni ganda! Grrr!]

Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Napansin ko nga, medyo conscious na ang sis ko sa nangyayari kaya binilisan ko ang pagkain para makaalis na kami doon.

Grabe…pag-alis namin, ang sama ng loob ko. Hindi sa sis ko, ha? Sa sarili ko. Bakit ba ako ganito?
 
[Note: Hindi po ako against sa mga lalake at babaeng iba ang kasarian ng puso. Kaya, lang, babae po talaga ako no matter what I wear or how I look. Kaya ang mapagkamalang TO>>blep<<OY  ay sadyang insulto sa akin. Isipin n’yo na lang kung kayo ang nasa kalagayan ko? Makakarinig ka ng ganoong bulong? Yuck daw! Or pagtitinginan ka ng mga tao dahil inubos mo ang lechon sa mesa at ang proof ay ang mansanas na nasa bunganga mo pa?!]

Ugliness and the Judgmental Society - http://inequalitiesblog.wordpress.com

Totoo nga yata talaga, mapangmata ang lipunan. Kahit gaano pa ka-pure ang puso mo, titingnan pa rin ang outside appearance mo.  Mula noon, hindi na ako masyadong kasama ng sis ko sa pasyalan. Nagkalayo ang loob namin. TOTAL opposite na kaming dalawa. Magkaibang-magkaiba ang gusto namin. Parang hindi ko na siya kilala. Alam n’yo bang ako ang idol niya dati? Sunud-sunuran  iyon sa akin, uy! Ang bilis talaga ng karma!  (+ _ +)

Minsan rin, napapagkamalan akong mas matanda sa edad ko (22 pa lang ako, remember?). Ma’am, Madam, manang, nay, auntie, tita, ate. Ang saklap. Iyong mada’am o ma’am, tanggap ko pa – bilang paggalang sa customer, boss… the rest, hindi ko tanggap. Nasasaktan akew!!! Gosh, pag tiningnan ko naman ang mukha ng tumatawag sa akin nun… gusto kong magwala! Sino ba talaga ang mas matanda sa amin?! Ako? Ako?! AKO?!?!?!?!?!? Andun na iyon, eh. Hindi na ako pinagkamalang hindi babae. Tinawag na ako ng pambabaeng katawagan, eh. Kaso, pang-matanda naman! Hindi ko pa rin feel ang pagiging babae ko- isang babaeng 22 years old pa lang!

Alam ko sa sarili ko na babae talaga ako. And I know, yes, I know  dapat hindi ko isipin kung ano ang tingin sa akin ng iba…pero nakaka-bother pa rin, eh. BUTI sana kung hindi ko naririnig. BUTI sana kong hindi ko alam na ganoon pala ang tingin nila sa akin. BUTI sana kung hindi ko alam na ganoon nga ang hitsura ko at kung ako ang nasa katawan ng taong nakakakita sa akin, eh, hindi rin ganoon ang iisipin o reaksyon ko! Ako mismo, alam ko. Unti-unti akong nagising. Ikaw ba naman ang makarinig at tingnan ng ganoon ng madalas?

Isa pa, gusto kong maipakita sa lahat… babae ako. BABAE. Isang importanteng miyembro ng siyudad. Nanay mo. Lola mo. Ate mo. Tita mo. President ng ilang bansa (nakadalawa na ang PILIPINAS, di ba? FYI: Former Presidents CORY AQUINO {deceased} and GLORIA MACAPAGAL AROYO {ummm, undecided}), miyembro ng senado, gabinete, etc. WOMEN EMPOWERMENT! Mabuhay! Marami na tayong naikontribusyon sa iba’t ibang larangan… kaya bakit ako nagtatago? Bakit Hindi ko ipinapakita ang pagiging babae ko? Isang indispensable member of the society and beyond! este eversince time immemorial pala…bweheheh. (Hello??? Hindi ipapanganak sina CAIN at ABEL kung wala si EVE, right?)


Kaya, napagpasyahan kung lumabas sa closet ko…I mean, itinapon ko na ang mga simple t-shirts at pants ko. TRANSLATION: PAMBAHAY NA LANG SILA. Bumili na ako ng skinny jeans, girl’s blouses, dresses, mga ipit, mga headband, pink na bag, pink na pamaypay. May pink hello kitty na rin ako. Joke lang. Basta, hindi na ako katulad ng dati.

Hindi po ako ang nasa picture!!!! Pero ang cute ng picture kaya sinali ko. Searched online po iyan



Pink lipstick. Iyon ang weapon ko. Higit pa sa make-up o sapatos na may mataas na takong. Siguro darating din ang araw na makak-move on ako sa ibang bagay, ibang pang-lift ng self-confidence ko. Pero di ko malilimutan ang PINK LIPSTICK.

Proof na ang post na ito para di ko makalimutan. Ang pangatlo sa tatlong post ko sa unang buwan ko ng pagba-blogging.

I dedicate this piece to my PINK LIPSTICK. (Itong sinulat ko po ang idine-dedicate ko. Hindi iyang tinintingnan mo sa ibaba na mukhang krayola!)


         /\
  _ _/    \__
  |      P     |
  |      I      |
  |      N    |
  |      K    |
  |             |   --> Lipstick ba ito o krayola na pinaglaruan ng sampung malilikot na kamay ng bata?!!
  |    Li      |                       Sorry…jajaja…pinaghirapan ko iyan. Huwag sanang pagtawanan.
  |   PiS     |
  |   TiK    |
_|_____ _|_
 |_______|       


PINK Dictionary:

PINK  (1)– pale, reddish color that, as a pigment, is formed by mixing red and white; plant with ragrant flowers; highest form e.g. the pink of perfection; pinks, plural;
                <Eto nakaka-shock, guys> Light colored dress trousers formerly worn by US Army officers.
Slightly left-wing, relating to or holding political views that tend toward the left or Slightly Disapproving
In the Pink – in excellent physical health
PINK (2) – stab somebody. To prick somebody with a sword or other pointed weapon; to decorate something with little holes; cut fabric with pinking shears
PINK (3) – type of sailing ship
Pink bollworm – moth larva
Pink Dollar – spending power of gays and lesbians (used in N. America, New Zealand and Australia)(offensive term)
Pink Elephants – hallucinations due to alcohol or drug overuse
Pink Gin – gin with Angostura bitters giving it pinkish color and aromatic spicy flavor
Pink Lady – gin cocktail
Pink River Dolphin – S. American dolphin with pinkish color
Pink Salmon – small Pacific Salmon, Male Pink Salmons has this shade
Pink Slip – employment termination
Pink Collar – of jobs once done by women, referring to clerical jobs and others that are traditionally associated with women
Pinkeye – inflammation of eye
Pinkie – the little finger

http://www.2dsecurity.com/pink-weapons
Hay, sa wakas, tapos na! Sa Encarta Dictionary ko po ito nakuha. 0_0


Mga tanong:

  1. Bilang babae, ano ang iyong pink lipstick? Ang bagay na nakakatulong sa iyo para maging confident?
  2. Nagsusuot ka ba ng lipstick? Bakit? Anong kulay? Anong brand >biro lang<?
  3. Sinabi kong ang makeup ang weapon nating mga babae.  Kung disagree ka rito, ano ang dapat na weapon nating mga babae?
  4.  Bakit sa tingin mo ipagpapasalamat natin kay Eva ang pagkakapanganak kina Cain at Abel?
  5. Ano ang WOMEN EMPOWERMENT? Magbigay ng mga sikat na babae na naging malaki ang kontribusyon sa lipunan at pwede nating maging inspirasyon?
  6. Sinabi kong isang feminine color ang pink. Alam mo rin ba ang flagship color ng Women’s Day? OO? Sige nga, bakit ang kulay na iyon? Ano ang meaning ng kulay na iyon? Kung hindi naman… I research mo na lang sa net, ha? Tutal naka-online ka na rin.
  7. Anong ang halaga mo bilang babae? Kahit babae pa ang gender mo, masasabi mo bang ikaw ay isang tunay na babae? Bakit?

Iyak – Entry #2 sa blog ni Miss Fat Lady

Iyak – Entry #2 sa blog ni Miss Fat Lady



Lahat ng tao may kanya-kanyang sufferings na hinaharap. Hindi ako nakaligtas doon. Sa sobrang sakit nga, minsan gusto kong umiyak. Mas madalas, hindi ko magawa. In fact, mabibilang lang sa mga daliri ko ang mga pagkakataon na umiyak ako (I cried before pero kadalasan ay dahil lang iyon sa mga sad stories na nababasa o napapanood ko. Wag na rin nating isali ang mga iyak ko noong bata pa ako…noong wala pa akong malay sa mundo. Kasi nga…bata pa ako noon, di ba?)

Kung umiyak man ako, madalas, malalim ang dahilan. Ganoon ako, eh. Hindi ako expressive. Kahit sa sarili ko. Parang ang tingin ko sa pag-iyak, kahinaan. Waste of time. Gawain ng mga taong nagse-self-pity.
Pero may mga pagkakataon rin na kahit anong pigil kong pag-iyak…naiiyak pa rin ako. Ang mga pagkakataong iyon ang mga hindi ko makakalimutan. Paano kasi, nangyayari na may kaharap akong ibang tao. Na sinasamahan pa ng uhog at malakas na singhot. Napapapahiya ako sa mga pagkakataong iyon
.
Nasabi ko na ba kung ilang taon na ako? I’m only twenty-two. College. Management Accounting ang kurso ko, 4th year na irregular. Dapat, graduate na ako sa March 2012, eh. Alam nyo kung bakit hindi ako makaka-graduate kaagad? Kasi naging mahina ako.

Mga third year high school na ako nang mag-start magkagulo sa pamilya namin. Lahat naman ng pamilya, may gulo, di ba? Pero di ko akalain na mauuwi sa hiwalayan ang parents ko. Pero nagkabalikan rin sila… for the sake of their children. Mula sa mga panahong iyon hanggang ngayon- ay natuto akong maging matigas. That’s why may dalawang bagay ang natutunan ko:

  • Wala kang aasahan kung hindi ang sarili mo. Sarili mo lang ang isipin mo. Huwag mong isipin ang iba dahil wala naman silang kwenta at hindi ka nila matutulungan. (na later on ay nalaman kong mali pala!)
  • Huwag kang iiyak. Kahinaan iyan!

So, balik tayo sa third paragraph- ito ang continuation- :]

Eto ang mga pagkakataong umiyak ako na hindi ko na napigilan dahil parang sasabog na talaga ang dibdib ko:

  • Sa Chowking branch dito sa  amin, umaga, at dito kami nag-breakfast. I’m with my mother. Malapit nang maghiwalay ang parents ko nun. I told her all my troubles, disappointments, my fears. Dun, napaiyak na ako. And guess what? Hindi naman ako kinumfort (comfort) ng mader ko! Buti pa ang waiter na nandoon, parang naawa! Noong bumalik ako sa counter for reorder after ng crying session ko, siya pa ang nagtanong kung okay lang ako! [hindi ko na matandaan ang name niya o mukha nya pero alam kong badzinger-z siya! Thanks sa taong iyon! Hindi ako kilala pero mas concern pa siya!]
  • Nung mag-away-away kami ng mga siblings ko. Hiwalay na ang parents ko nito. My mom went to live with her parents and my dad…well, busy siya sa negosyo. Umiyak ako - hindi ko na naman naiwasang isambulat ang laman ng puso ko. Hay….sinabihan lang ako na nagda-drama. Sheeet!
  • Sa isang matinding argument with my dad. Hahaha…. Nag-walk out siya. Umaatungal na kasi ako na parang baka, eh! Ungaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Iyan ang mga pag-iyak na di ko malimutan. Iyan ang mga dahilan kung bakit sinabi kung kahinaan ang pag-iyak. Dahil pag umiyak ka, madi-disappoint ka lang. Maiinis ka lang dahil after mo umiyak, tatanungin mo ang sarili mo ng, “What the hell?! Tulo na ang sipon ko! Yuck!” hahaha….joke lang po. Feeling mo, mag-isa ka. Lahat ng tao ayaw makakita ng umiiyak. Iiwasan ka nila…o baka hindi rin nila alam ang gagawin sa iyo.

Pero naisip ko rin naman, kapag ako ang nasa sitwasyon nila…nakukunsensya ako at sinusubukan kong i-comfort sila, ah? Bakit sa akin, walang gumagawa nun? Panget ba ako umiyak? Hindi ba ako ka-aliw-aliw?

Disappointment. Na naman. Bakit ba kasi ito ang napili kong i-topic?! Wala na ba akong ibang maisip? Pinahirapan ko na naman ang sarili ko sa paggunita ng mapapanglaw alaala…(Uy! Lalim nun ah!Jejeje)

So iyon na ang conclusion nito… ang umiyak, mahina!





Psssttt…

Hindi pa tapos.

Mali kasi ang prinsipyong iyon.

Nitong huli ko lang nalaman. Or rather, matagal ko nang narinig, o alam, pero di ko pinaniniwalaan.
Dahil ngayon, masasabi kong ang pag-iyak ang pinakamagandanng bagay na pwedeng gawin sa oras ng kahinaan. 

Kasi tayong mga tao, mas nagpo-focus sa mga bagay na negatibo, iyong masama, iyong hindi maganda. Sa kaso ko, ang “hindi maganda” sa pag-iyak ang pinagtuunan ko ng pansin. Hindi ko naisip na sa pag-iyak, may kagandahan rin iyong maidudulot sa akin.

Weh?

Totoo talaga! Tingin kayo sa ibaba. Andiyan ang listahan ng kagandahang dulot ng pag-iyak:

  • Mailalabas mo ang sama ng loob mo. Ang resulta? Hindi ka na galit sa mundo o bitter sa life.
  • Kapag masaya ka, umiiyak ka. Kapag malungkot ka, umiiyak.  Meaning, kapag umiiyak ka na, it’s either masaya ka o malungkot. Ewan ko lang kapag baliw ka at umiiyak – masaya ba iyon o malungkot? Ang conclusion - kapag hindi ka talaga umiiyak, eh, wala kang feelings. Pag wala kang feelings, eh, bato ka na mukha lang tao. Pag bato ka. eh, hindi ka talaga tao.
  • Ang luha ang ultimate proof ng pagmamahal. Kaya pag may bf ka, takutin mo na iiwan mo o kay sabihin mo, may malala kang sakit. PAg umiyak iyan....mahal ka niya. HAHAHAHAHA! Biro lang ng kaunti pero totoo iyan para sa iba!
  • Ang paglabas ng likido sa mata ay nakabubuti sa ating paningin. Malilinisan ang mga mata natin.
  • Kapag napuwing ka at takot kang kalikutin ang mga mata mo, umiyak ka lang at mawa-wash-out din iyan!
  • Mababawasan ang mental stress mo. Hindi ka mababaliw. Or mababawasan ang mga factor ng pagkabaliw ng isang normal na tao. <Peace sa mga totoong baliw….hehehe>
TIDBIT:  BALIW acronym : Believe Always Life is Wonderful!



See?

Kaya nga, nagsisi ako, eh. Kung alam ko lang, matagal ko nang ginawa na iiyak ko ng kusa ang mga sakit na nararamdaman ko. Kahit ang karamay ko lang ay ang isang box ng tissue habang nanunuod ng Endless Love, Autumn in My Heart (Haha…grabe, kaiyak talaga! Nuorin niyo rin po!)

Pero warning lang… Huwag n’yo gawin ang mga nasa ibaba:

  • Huwag na huwag humagulgol sa CR! Baka makapatay ka ng wala sa oras. Paano kung may asthma o sakit sa puso ang babaeng umiihi sa kabilang cubicle? O makalikha ka ng “Bathroom Ghost Story”? Iyon pala, ikaw ang nasa likod ng kuwento ng isang babaeng humahagulgol kuno sa CR sa… loob ng bahay nyo?! (Sa totoo lang, nakakarinig na rin ako ang umiiyak…wah! Dito sa loob ng classroom namin! Mag-isa pa naman ako ngayon dito! At totoo ang kuwento tungkol sa multo dito sa  room na ito…wala eh, astig talaga ako. DI AKO TAKOT SA MULTO. Weh? Totoo. (O_O)  <---  Kita nyo nga, nanlalaki at namumuti na ang mga mata ko…)
  • Huwag umiyak sa loob ng sinehan! Baka mapagkamalan kang babaeng pinagtaksilan ng nobyo at ng bestfriend mo! Alam n’yo ang kantang “Sad Movies”? Oo, iyon nga!
  • Huwag kang iiyak sa harap ng tatay mo bigla. Baka mapagkamalan kang nabuntis ng syota mo (kung babae ka)…o kaya ikaw ang nakabuntis ng syota mo (kung lalake ka)! Kung in-between naman ang kasarian ng puso mo…pasok loob ng room mo! Uy! Birooooo lang! Kung bading ka at nagtatago pa sa loob ng baul ng lola mo, wag, baka sapakin ka ni Dadidyud. Kung tombz ka naman… di ba lalaki tatay mo at lalaki ka rin? Dalawang lalaking nagyayakapan? Hehehe…okay lang iyon. Paps mo nama iyon!
  • Huwag sa jeep, sa bus, o sa traysikel. Mahangin. Maalikabok. Masisira ang byuti mo! Dapat poise pa rin kahit umiyak ka!
  • Huwag sa lamay ng hindi kakilala (halimbawa na lang ay kapag napadaan ka at bigla mong naalala ang pagkamatay ng alaga mong ______ na si _______. O kung wala kang alaga o ala-alang nakakaiyak kasi special child ka nga, isipin mo ulit ang kantang SAD MOVIES o DANCE WITH MY FATHER AGAIN o kaya ang BETTER DAYS! Jejeje. Nag-promote ba naman ng fave songs?) Baka mapagkamalan kang ano… alam n’yo na. Yung mitress o kaya anak sa labas. Bwehehe.
  • <Insert suggestion here>
  • <Insert suggestion here>
  • <Insert suggestion here>
  • <Insert suggestion here>
  • <Insert suggestion here>
Tama na! Basta bahala na kayo.

Last na lang.

As a girl, may huling payo ako sa mga katulad kong babae (isali na rin natin ang mga lalaking ang puso ay katulad ng kay Evvvaaaa…)

http://www.loverofsadness.net/sad_picture.php?id=97

“Ang mga luha ng isang babae ay katulad ng isang perlas. Pambihira. Hindi madaling gapasin. Hindi madaling pakintabin. May tumulo mang luha, hindi iyon ang kanyang totoong luha. Humagulgol o umatungal man siya, hindi iyon ang totoo niyang pag-iyak. Titigan mo ang mga mata niya at doon mo makikita ang tunay na lalim at kahulugan ng bawat patak ng luha at hagulgol niya.” ---- originally from me iyan! Ewan ko lang may katulad pa iyan na quote. Wag sana akong makasuhan ng ano ba iyon? Forgets ko na, eh. Insert anser hir --> <__________>

As a boy… or for the boys…ah….hindi ako boy, eh.

Gawa na lang rin kayo ng para sa inyo na quote…. No offense. Namamanhid na kasi ang mga daliri ko sa pagta-type. Ubos na rin ang bitamina sa utak ko. Lahat nasa isinulat kong ito. OPO. Ganoon po ako ka-malnourished kahit mataba ako (kasi nga mas marami akong TABA!)

The end.




Mga Tanong:
  1. Sinong tao ang walang kinakaharap na problema at hindi umiiyak? Ikaw, naranasan mo na bang hindi umiyak dahil sa sibuyas?
  2. Sino ba talaga ang babaeng umiiyak sa loob ng klasrum namin? Madalas kong marinig eh...pag tiningnan ko naman, wala!
  3. Bakit mali na dapat ituring na isang kahinaan ang pag-iyak? Nagpapalakas ba ito sa atin? Bitamina ba ito?
  4. Anu-ano ang mga nakakasamang epekto ng pag-iyak?
  5. Bakit inihalintulad sa perlas ang luha ng isang babae? Bato ba ang lumalabas sa mata nila?
  6. Kung perlas pala, eh, puwede ba itong sisirin?
  7. Ano ang maipapayo mo sa mga taong iyakin?

Lunes, Disyembre 19, 2011

Bagong Simula sa Huling Buwan ng Taon - Entry #1sa Blog ni MISS FAT LADY!


Hay, hay...di kaya masyado na akong late para sa bagong simula na ito?

Ni hindi ko alam kung paano magsisimula, eh. Sa totoo lang, nitong mga huling araw (sus! TAON kaya!) pakiramdam ko ay may kulang sa buhay ko. Habang tumatanda ako, lumalaki ng lumalaki iyon. Habang tumatagal, tumatakbo ng tumatakbo naman ako ng palayo. Hindi ko kasi ma-pin point!

Nitong huli lang (o baka matagal) na ay napagpasiyahan kong mag-internalize. Ano ba talaga ang problema ko? Bakit ganito pa rin ang buhay ko? Walang nagbabago! Walang asenso! Iyong plano kong pumayat, hindi ko nagawa! Iyong pag-iipon ko sana para makapag-lakwatsa sa kabilang ibayo ng mundo, wala! AS IN WALA! Kahit sentimo, WALA! NI WALA AKONG BANK ACCOUNT! Gosh! Kahiya, grabe! Bakit dito ko ito ipinagsisigawan?

SO HETO NA ANG RESULTA NG PAG-I-INTERNALIZE KO aka PAKIKIPAG_USAP KO SA SARILI NG MALAKAS AT NAPAGKAMALAN PA AKONG NABABALIW (dahil daw sa kawalan ng pera at lablyp! <hindi kaya!> SABI NG MAMA KO NA KASAMA KO SA KWARTO KO!):

  1. Wala akong bagay na nasimulan na tinapos ko. Kung natapos ko man, kulang o iyong tipong ikakukulot  ng buhok mo sa <UM!> (oooppsss...sa kili-kili po iyan! Hahaha!)
  2. May nasimulan ako pero itinigil ko rin.
  3. Two months ago, nagsimula ako ng magsulat ng 30 THINGS TO DO BEFORE 2012 ENDS (short term palang iyan, ha?) at 100 THINGS TO DO BEFORE I DIE (hindi pa po ako mamatay! trip ko lang ang title eh)- wala pa sa 1% ang ginawa ko.... (pero kahit na...di ba may palabas yatang "1% of everything" ang title?)
  4. Tamad ako. Madaling mag-sawa.
  5. Ma-pride ako. Kaya pag na-criticize ang ginawa ko, magagalit ako. Worse, titigil ako. 
  6. Iyon na nga...WALA akong LABLYP! Asar!
  7. Wala pa sa lima ang closest friends ko. (FYI lahat iyan sila, hindi ko rin nakaka-jamming! Grrr!!!)
  8. ______? Who is this? Who are you? --- opo...madali akong makalimutan! Another GRRRR!!!!
  9. Wala akong savings account! o kahit 500 man lang sa bangko!
  10. MATABA po ako! I have nothing against being on that side pero...aminin na natin...
  • Ang mga matataba ang madaling targetin ng HIGHBLOOD, DIABETES, HEART PROBLEMS at iba pang sakit.
  • Hindi mo maisuot ang mga uso ngayon. 
  • Kapag naubos ang lechon sa mesa, lahat sa iyo magtitinginan. Na siyang dapat...dahil nakasubo pa ang mansanas sa bibig mo. 
  • Tampulan ka ng tukso. Pag may bumibisita pag PASKO at BAGONG TAON- Uy, ang taba pa rin! Akin na lang ang spaghetti mo para di ka na tumaba, ha? - ang laging lalabas sa bibig. Pag dumaan ka sa harap ng mga bata... tatawagin kang...bakla! ay! este...BABOY! pala... hay...ang hirap maging JUBIS na katulad ko! Minsan...gusto ko nang mag-CRAYOLA! Bwahahaha...hindi ko keri, guys. Ancient na ba ang mga gay lingos na JUBIS (obese) at CRAYOLA (cry) na pinagsasasabi ko. Kainggit naman ang mga bakla, may sariling mundo! Ang mga katulad ko kaya, kaila? May Fat Lingo ba? or Chubby Lingo? Or Obese Lingo? hehehe. Eto pa... KYOTA (bata)! Mga pesteng KYOTA! Bakit hindi kayo tinuturuan ng parents n'yo??????? <kidding aside, I got all this gay lingos at CHITOBAKAMO's WEBLOG---visit it at chitobakamo.wordpress.com/2010/11/24/filipino-gay-lingo) 
  • Ano pa ba????? Marami pa, eh. Tanungin nyo na lang rin ang kasama ninyong mataba. 
  •  
      11. .......
      12. zzzzz....
      13. Hay...tama na. Tinatablan na ako ng hiya rito!  *O*

    Sabi nga sa kasabihan na paulit-ulit sinasabi ng mga teleserye, libro, balita, nina nanay, tatay, lolo, lola...at ako..LALO na AKO! --- Walang masama sa pagkakamali. Doon tayo natututo, eh? Di ba? Pero paano kung mahirap matuto? Paano kung hindi ka na makatayo?

    So, hindi pa rin okay na magkamali. Dapat, may kasama ka. Karamay. Kapuso. Kapatid. Kapamilya.  Ka....? Hmmm, meron naman ako ng mga iyon eh. Pero ewan ko ba...nasaan na ba sila?

    Back to Bagong Simula sa Huling Buwan ng Taon... nabasa niyo naman ang number 1 sa listahan ng results ng pag-i-internalize ko, diva? Iyon mismo. Iyong mga di ko natapos o kinatatamaran kong tapusin, tatapusin ko na! Siyempre, may new list na ako  ng 30 things to do at 100 things to do. Hindi ko na isasali iyong mga to do things tulad ng makapag-around the world o makaakyat sa Mt. Everest  <) Sabi nila, mangangarap ka rin lang, doon ka na sa pinakamataas! Di ba mataas na ang Mt. Everest? Eh, ang trip around the world? Marami may pangarap niyon!

    Kaso kehihirap abutin. Babaan ko na lang. Iyong madaling abutin at totoong makakapagpasaya sa akin. Iyong lesser ang efforts (tamad ako, eh) at konti ang gastos (wala nga ako kahit 500 hundred sa bangko noh!) Iyong, meaningful... iyong kahit mamatay pa ako, hindi ako magsisisi dahil nagawa ko kung ano ang gusto ko? Iyon iyon!

    Gusto ko, Bago magtapos ang buwan at sa pagsisimula ng 2012, magawa ko nang baguhin ang sarili ko for the better. I'll be stronger. I'll be smiling more often. I will do what I want without regrets. I will...I will...be more slimmer. Ehem. May aangal???? Siyempre, Buburahin ko na ang mga negative traits ko. Ang mga ugaling nakakainis sa akin.


    Isang bagong Simula. Isang bagong ako.



    Quiz:

    1. May pag-asa pa ba akong magbago?
    2. Tama ba ang mga sinabi ko tungkol sa pagiging mataba?
    3. Bakit ngayon ko lang ito naisipan? O Sineryoso?
    4. Bakit dito pa sa blog na ito? Bakit hindi na lang sa personal diary ko ito i-post?
    5. Babae ba ako? O Lalake? O Lalakeng iba ang kasarian ng puso?
    6. Ano tawag sa ginagawang pagkausap sa sarili ng malakas kung saan mapapagkamalan pa akong baliw?
    7. Bakit ngayong magpa-Pasko at magne-NEW YEAR ko pa naisipang simulan ito? Bakit may pa-krismas-krismas pa ako, hindi naman ako mag-se-celebrate? Iba rin ang date ng bagong taon namin... Hindi naman ako Kristiyano? Hulaan niyo kung ano ang relihiyon ko?
    8. Anong magagawa ng Vision Board sa buhay ko?