Miss Fat Lady's Drama Blues
Mga out-of-the-blue dramas ng isang dilag na may kalusugan ang pangangatawan ngunit ubod pa rin ng seksi at ganda. Busilak pa ang puso. Hep! Hep! Walang kokontra! Kundi tatamaan ka ng kidlat na walang pangil! Basahin mo kung mahilig kang magbasa. Kung bored ka, basahin mo pa rin. Kahit anong sitwasyon meron ka, basahin mo pa rin. Kahit di ka nagta-Tagalog, basahin mo pa rin, malay mo, may matutunan ka. Hmmm.
Lunes, Marso 24, 2014
I Still Love Singing
I don't have the voice of an angel. I can't sing like Charice Pempengco or any other singers. O can't reach notes and I sing out of tune. But I still love singing.
It's through the songs of Mariah Carey and Celine Dion that I can scream out my frustrations in life. I can cry my heart out through mellow music. I collect my thoughts and feel relaxed in listening to classical music. I fall in love to Bon Jovi's and Jason Mraz' songs (and fall for their voice over and over again!)
Songs convey messages. It makes you feel emotion you have not yet felt. They can save you, and be your friend when you need one...
Linggo, Oktubre 28, 2012
Respeto, Mga Kapatid!
The moment na ipinanganak ako na mas maaga sa kanila, that means something, right?
Respeto. Di ba nga, sa movie na anak, naging issue iyon?
Ano nga uli iyong line? "KUNG DI MO RIN LANG AKO KAYANG ITURING BILANG INA, RESPETUHIN MO NA LANG AKO BILANG TAO!"
Para sa akin, maraming uri ng respeto. Respeto sa iyo bilang tao. Magulang. Kapatid. Kaibigan. Katrabaho. Marami.
Ano ba talaga ang respeto? Kailangan ba talagang i-uh-earn iyan? Kailangan ba talagang patunayan mo ang respeto bago iyon maibigay sa iyo? Ibig sabihn ba, kapag bagong kilala mo pa lang ang tao, wala ka pang respeto sa kanya sa lagay na iyon dahil lang sa hindi pa niya napapatunayan sa iyo ang sarili niya?
Super.
Ang laking issue nito sa family namin this days. Especially sa aming magkakapatid. Apat kami, pero may asawa na yong matanda sa amin at hiwalay na ng tirahan. Kaming tatlo ang natira sa bahay namin. Ako ang second oldest. Isang taon at dalawang taon ang tanda ko sa dalawa ko pang kapatid.
Masakit sa akin na wala akong maramdamang respeto mula sa kanila. I have to prove myelf to the daw. Ang tanong, ano naman ang ipo-prove ko sa kanila, eh, in the first place, they're not willing to give it to me? Pride. Ma-pride sila. Porke kasi hindi naman nalalayo ang agwat namin sa edad, madali sa kanila na kalimutang mas matanda ako.
Simple lang naman ang hinihingi ko sa kanila, eh. Una, respeto sa aking bilang tao. Pangalawa, respeto sa akin bilang mas naunang ipinanganak. Pangatlo, bilang panganay sa kanila, irespeto nila iyon fact na kailangan muna nilang makinig sa akin bago nila i-judge ang mga sasabihin ko o gagawin ko. Eh, hindi eh. ANg sakit. Masakit isipin na iyong mga kadugo mo na makakasalo mo sa hirap in the future, ganoon ang trato sa iyo.
I tried solving it through confrontation. I asked them, 'bakit di n'yo ako magawang irespeto?'. Dapat daw, magpaka-ate daw muna ako. Ha! Akala nila diguro, madali maging ate sa mga bunsong hindi ka naman itinuturing na ate, no? HA! HA! Tinanong ko sila, anong klaseng ate ba ang gusto ninyo?
Iyong hindi bungangera?
Iyong tahimik lang?
Iyong linis, luto, laba tapos pasok sa kuwarto at matutulog na?
Ayaw nila ng ate na concern at tutulungan silang itama ang mali nila?
Gusto nila ang domesticated na ate sa halip na 'cool' na ate?
Ano ako, NANAY nila?
May nanay na kami, bakit gagampanan ko iyon?
Bakit hindi puwedeng mag-bonding kami na walang awayan, walang pikunan?
Bakit gusto nilang nang-aasar sila, expecting na smile lang ang sagot ko. While sila, konting -teasing-teasing lang, bad words kaagad ang labas sa bibig nila?
Nitong huli, sinabihan ko sila na huwag naman akong tawaging 'tanga' kung di naman iyon totoo. Na huwag sa bawat maliit na pagkakamaling magawa ko (tulad ng pagiging makakalimutin ko o miscalculation na nagawa ko), habangbuhay na pagkasira ng tingin nila sa akin ang katumbas. Na sa isang pagkakamali, wag naman nila gawing sampu. Hindi naman ako pumapatay. Kung magkamali man ako, ordinary lang. Katulad ng ibang tao, katulad NILA, nagkakamali ako. Hindi grabe, hindi magiging sanhi ng end of the world iyon, uy! Kaya bakit kung makahusga sila, wagas, lantay, tuluy-tuloy?????
Akala nila, mga magulang lang ang nagrereklamo? hindi no. Mga ATE at kuya rin. Ang mga bunso kasi, nakakalimutan ang heirarchy sa family. Kung wala si MAMA at PAPA, di ba, ang next in line sa authority, sina ATE at KUYA? Kung alam lang nila na masuwerte sila na may mas matanda sa kanila. Sa kaso ko kasi, maagang nag-asawa ang kuya ko. PAg school assignments, problems etc., alone ako. Hindi ko maasahan ang mga parents ko dahil busy sila. Masuwerte nga ang mga kapatid ko. Kasi, kasama nila ako. PAg may assignments, away-friends, teacher/school problems, o kahit iyong may mahingan lang ng masamang hangin mula sa puso nila, andyan ako.
Kaso, nakakalimutan nila iyon. Madaling matabunan. Pero sige, okay lang. Tiis-tiis na lang ako. Life, ganyan talaga!
Hay, nakahinga rin.
Bye... Bye...
Yours truly,
MFL
SANA MAY MAGSABI SA AKIN NITO:
![]() |
| http://disney.go.com/create/art/2gs11k6WUOob00001004ow00-g-16fac8 |
Huwebes, Agosto 30, 2012
Ikaw: Masayang Ala-ala ng Aking Kabataan - Entry #8 sa Blog ni Miss Fat Lady
| http://smilesforscott.com/index.htm |
![]() |
| http://www.glogster.com/starlight619/myglogster |
Kung narito ka sa tabi ko ngayon, tiyak kung itatanong mo kung bakit para akong tangang ngingiti na parang ewan. Hindi naman ako nanonood ng love story na may magandang ending. O comedy sitcoms. Hindi ko rin naman kaharap ang baby brother kung ubod ng cute. Ang magiging sagot ko: IKAW.
Mabilis at malakas na tibok ng puso.
Pisnging nagba-blush na parang pink lipstick.
Nagniningning na mga mata.
Isipang lumilipad sa isang pantasyang ikaw at ako ang starring role.
Pamilyar ba?
Ikaw ang sagot sa tanong mo. Ikaw ang dahilan ng ngiting ito.
Ngunit...
Ang ikaw na tinutukoy ko ay ang ikaw na mula sa ala-ala ng aking kabataan...
Kung itatanong mo kung ano ka na lang sa akin ngayon...
Isa ka na lamang ala-ala. Bahagi ng aking nakaraan na sa tuwina ay babalik-balikan ko. Isa kang masayang pagbabalik-tanaw. Salamat...
Sa Diyos na hinayaan kang maging bahagi ng buhay ko. Sa iyo dahil, lingid sa iyog kaalaman, binigyan mo ng kulay ang musmos kong mundo. Dahil ikaw ang dahilan ng aking pagngiti ngayon.. sa tuwing naalala ko ang mga nakakatuwang pantasya ko noon...
|
| http://picture-book.com/node/8961 |
![]() |
Ikaw rin ang naging inspirasyon ko sa aking pagpasok sa eskwela araw-araw. Ikaw ang unang lalaking 'minahal' ko. Kahit di ko pa lubos na alam ang kahulugan niyon.
Nakakatuwa at nakakatawa ang mga pumapasok sa isipan ko ngayon.
Mahirap nga talagang mawala sa isipan ang mga bagay, pangyayari o taong nagkaroon ng impact sa buhay mo. Dahil mula sa isang masayang pagbabalik-tanaw, isang kakaibang damdamin ang nararamdaman ko. Hindi ko ito matukoy.
Kuryosidad?
Panghihinayang?
Pag-asam?
Mula sa sa simpleng ala-ala, maraming tanong ang nagsulputan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
superman and lois lane comic --- taken from http://www.comicvine.com/lois-lane/29-1808/all-images/108-198197/52062-bruce-timm/105-115996/
Linggo, Agosto 26, 2012
To Someone Special: Entry #7 sa Blog ni Miss Fat Lady
![]() |
| http://www.chains-and-charms.com/charms/love-marriage/someone-special.html |
To Someone Special,
This is supposed to be a personal letter to you kaya di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nandito ito ngayon sa blog na ito. Maraming bagay akong gustong sabihin sa iyo. Mga bagay na di ko masabi ng harapan dahil alam kung baka di mo ako pakinggan o baka barahin mo lang ako. Pero more than that, andiyan din ang pride. You see, I’ve been rejected many times before, in so many ways, in different situation. Kaya ngayon… ano nga ba iyong term? Napaso? Oo, iyon nga yata, ‘napaso’ na ako. I’ve been burned not once, not twice, but many, many times. Nagtataka nga ako kung bakit nakakapag-type pa ako ngayon at hindi na ako naging abo sa dami ng apoy na dumapo sa akin. Alam kung imposible rin na mabasa mo ito. Di ka naman nag-i-internet, mas lalong di mo alam ang tungkol sa blog na ito. No one knows about the real identity of Miss Fat Lady – ang alam lang nila, mataba siya- pero ilan bang tao sa mundo ang mataba? Mga taong naglalakad sa kalye nang hindi napapansin…
This is supposed to be a personal letter to you kaya di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nandito ito ngayon sa blog na ito. Maraming bagay akong gustong sabihin sa iyo. Mga bagay na di ko masabi ng harapan dahil alam kung baka di mo ako pakinggan o baka barahin mo lang ako. Pero more than that, andiyan din ang pride. You see, I’ve been rejected many times before, in so many ways, in different situation. Kaya ngayon… ano nga ba iyong term? Napaso? Oo, iyon nga yata, ‘napaso’ na ako. I’ve been burned not once, not twice, but many, many times. Nagtataka nga ako kung bakit nakakapag-type pa ako ngayon at hindi na ako naging abo sa dami ng apoy na dumapo sa akin. Alam kung imposible rin na mabasa mo ito. Di ka naman nag-i-internet, mas lalong di mo alam ang tungkol sa blog na ito. No one knows about the real identity of Miss Fat Lady – ang alam lang nila, mataba siya- pero ilan bang tao sa mundo ang mataba? Mga taong naglalakad sa kalye nang hindi napapansin…
Ano ba ang sasabihin ko?
Marami, eh.
Baka pag nabasa mo ang simula pa
lang, di mo na pakinggan.
Alam mo bang natatakot ako?
Alam mo bang nasasaktan ako
ngayon?
Alam mo bang nagagalit ako sa
sarili ko?
Alam mo bang pakiramdam ko ay isa akong putol na sanga ng
puno na nasa ibabaw ng tubig, sumusunod lang sa agos?
Unti-unti, habang tumatagal,
nawawalan ako ng kontrol- sa lahat. Sa sarili ko.
Alam mo ba ang nangyayari kapag
lumalabas na ang luha sa mata mo? Ano ang makikita mo pagmulat mo habang nandoon
pa ang mga luha?
Malabo. Ang labo ng nakikita ko.
Sa napakaikling sandali, nararamdaman mo na nasa isang lugar ka na pamilyar sa
iyo pero alam mong hindi ka nararapat roon. Gusto mong tumakbo… tumakas at
maghanap ng mapagtataguan pero saan? Paano?
Ganoon ang nararamdaman ko
ngayon. Alam mo iyon, alam ko ang
nangyayari, pero di ko rin alam. Wala akong maintindihan. Nasasaktan ako,
nalulungkot ako and at the same time, wala akong pakiramdam.
Kung minsan, literal na akong
nakakaramdam ng kirot sa puso ko. Natatakot na nga ako na baka sakit sa puso
ang maging resulta nito, eh.
Ang sakit-sakit.
Paano ko sasabihin sa iyo ito?
Natatakot ako sa mga mangyayari.
Ngayon pa lang, di ko na alam kung paano iha-handle ang manibela. Saang
direksyon ba ako tutungo? Babagalan ko ba o bibilisan? Ang manibela lang ba ang
hahawakan ko? Hindi ba puwedeng hawakan mo ang kamay ko habang nagmamaneho ako?
Alam ko, di mo ako naiintindihan.
Alam ko, sarili mo lang ang kailangan mong isipin. Pero sana… kahit ganoon,
maalala mo pa rin na mahal kita, ha???? Na kahit na anong mangyari, kahit alam
kong kulang ang kakayanan ko ngayon, kahit alam kong marami akong pagkukulang-
kung kaya ko lang, gusto kong mapabuti ka. Sana ay huwag mong masamain ang
lahat ng sinasabi ko o pag-aalala ko. Sana ay magawa mo ring buksan ang puso mo
at hayaan itong makinig, sa halip na ang iyong sarili at sakit na dinaranas
isipin lang.
Nahihirapan na ako.
Pakiramdam ko ay may napakaraming
rehas na nakapa-ikot sa akin. Hindi ako
makawala…
![]() |
| http://communities.washingtontimes.com/neighborhood/autism-unexpected/2011/jul/13/what-say-parents-children-autism/ |
Sincerely,
Miss Fat Lady
![]() |
| http://www.redbubble.com/people/pamelajophoto/works/2479445-anyone-can-catch-your-eye-but-it-takes-someone-special-to-catch-your-heart |
Habang nagwi-window shop ako online, nakita ko ito. Let me share this beautiful work to you. This is what I feel right now... thanks to this 'poem', I don't have to write my own any more. :)
![]() | |
| http://2pachr.forumotion.com/t4-poezija-iii |
The Mutual Heartache
Introduced with innocence
who would have ever guessed
that u were the one I had
been so desperately searching 4
u talk as I do but yet u don't
understand when I mumble
u c as I do but your vision is
blurred by naivete
This is the barrier that separates us
I cannot cross yet
There is 2 much of me that
would frighten u so I live in
heartache because we cannot
fully explore this love and
what of your heartache
Does it feel as sharp as mine
No matter where I go or how long it takes
I will never recover from this mutual heartache.
who would have ever guessed
that u were the one I had
been so desperately searching 4
u talk as I do but yet u don't
understand when I mumble
u c as I do but your vision is
blurred by naivete
This is the barrier that separates us
I cannot cross yet
There is 2 much of me that
would frighten u so I live in
heartache because we cannot
fully explore this love and
what of your heartache
Does it feel as sharp as mine
No matter where I go or how long it takes
I will never recover from this mutual heartache.
You can visit the site too. Marami pang magagandang gawa roon ang may gawa ng tulang ito. Nasa ibaba lang ng image ang link.
Thanks for reading this guys. :)
Lunes, Disyembre 26, 2011
Ina/Mom : Entry #6 sa Blog ni Miss Fat Lady
![]() |
| http://www.wpclipart.com/page_frames/background_pages/card_covers/Mother_and_child_silhouette_card_face.png.html |
Hindi pa ako umiibig. Sa isang lalaki. Antagal na since nung maramdaman ko iyong kilig, pamumula ng pisngi pag andiyan siya, yung palagi mo siyang iisipin tapos, mananaginip ka na ikaw si Cinderella, magsasayaw kayo… crush lang iyon. It never lasted long. Ni hindi ng umaabot ng buwan, wala na iyong feelings na iyon.
Drama ko no?
Tama, eh. Magdadrama talaga ako ngayon!
Dahil wala akong lablyp, kapag tinanong ako kung sino ang first love, true love, current love, whateva love ko- obvious ana ang family ko ang isasagot ko.
Remember those times na usung-uso ang pagsasagot ng Autobiography (ba yon?)? May isang tanong doon kung sino ang first love mo at sino ang first kiss mo. Syempre, si mama at papa ang isasagot, di ba? Kais nga mga babes pa tayo nun, di mo pa talaga masasagot iyon. Well, maliban na lang kung bata ka pa, eh, lumalandi ka na! Shy na shy po ako nung mga panahong iyon…
I dedicate this piece of writing to my beloved alma mater…I mean, Alma mader! Ang gulo! Sa MOTHER ko po! [Alma mater= lugar kung saan ang isang katawang lupa ay binigyan ng edukasyon para ito ay maging tao) Senxa na po sa lame na joke. JAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJAJA!
Saka na po iyong para sa tatay, kuya, sa sis ko, at sa bunso namin na kamukha ng isang sikat na bubuyog pero lamang lang ng konting paligo kaya siyempre, mas guwapo siya!
Kung marunong lang sigurong mag-net ang nanay ko at makita ito… ewan ko! Who knows kung ano ang mapi-feel niya, di ba? Baka habulin ako nun ng… insulin injection niya dahil na-feature ko siya dito! Hahaha! Pero walang halong biro ha? Mahal ko ang mother ko. Lahat naman siguro ng anak, ganoon di ba?
Para mas madali at di maubos kaagad maubos ang mga bitamina sa malnourished kong utak, naghanap na lang ako ng mga tula na babagay sa mga sasabihin ko dapat sa kanya. Gumawa rin ako ng sa akin…pero wag n’yo muna i-scroll down okay?
![]() |
| http://www.justquotes.org/mother-quotes-11.html |
Mom, If I Could,
I’d Give You the World…
I wish I could build you that
dream home that you’ve always wanted.
I will fill it with your favorite people
and your happiest memories.
I wish I could take back all those times
when I hurt your feelings or let you down.
I would exchange them with words like,
“I love you” or “I’m so glad you’re my mom.”
I wish I could guarantee that we’d have
all the tomorrows we’d ever want,
and all the time we’d ever need to celebrate
and enjoy our great relationship.
But I can’t build you your dream home
or change the past
or predict the future.
So I will just tell you how much I love
the person you are,
what an unforgettable, wonderful influence
you’ve had on my life, and how very glad I am
that you’re my mother.
-Debra Elliot-
Kapag bata pa tayo, palagi sasabihin ng ating mga teachers na dapat mag-aral tayong mabuti at para paglaki natin, makahanap tayo ng trabaho. (naak-italicised kasi di ako agree na work lang ang maging option paglaki, kaso, ito talaga ang itinuturo sa school, eh. Nyways, baka gumawa rin ako ng article about this in the future.) Pag nakahanap na tayo ng trabaho at may pera na, puwede mo nang ibalik sa mga magulang mo ang mga bagay na pinaghirapan mo, di ba? Siyempre, dapat love mo rin ang parents mo bilang kapalit ng pagmamahal nila sa iyo.
Pangarap ko na maibigay sa mom ko ang mga bagay na pangarap niya. Nung nagkaroon kasi ng gulo sa family namin, naging malabo na ang bagay na ito. Dati, sila ng father ko ang nangangarap ng mga…ganun. Ngayon, wala na. Nakakahinayang. Nakakasama ng loob. Alam ko, isa ang mga bagay na iyon sa iniiyak niya sa gabi. Ang mga naunsiyaming pangarap…
Pero ako man ay hindi na siguro iyon matutupad. Or maybe, baka matatagalan pa…pero sana…
I Know It Isn’t Always Easy
Being My Mom
I always feel so good about having
someone as wonderful as you
as my very own mother.
But there are times when
I feel badly about the things
I put you through.
Mom, I didn’t mean to do anything that
upsets you or makes you worry about me.
But I know that there are times
when I haven’t been all I should be.
I know that you care so much because you love me.
And because you only want what’s best.
So let me tell you how sorry I am
for any time I’ve ever let you down.
and let me think you for bringing me up
in the sweetest and most caring way anyone ever could
-Barin Taylor-
Pero sabi nga nila, walang perpektong nilalang. Walang perpektong ina. Mas lalong walang perpektong anak. Lahat ng mga anak, nagkakasala sa kanilang mga magulang. Dapat, pagkatapos ng sagutan (o sigawan), pagsuway, dis-agreements- dapat na ibaba natin ang mga pride natin. Tayo na lang ang magpasensiya. Ang humingi ng tawad. Minsan, nasabi ng nanay ko, dapat daw every Friday ay mag-sorry at magthanks ako sa kanya. Dahil ang katotohanang pinili ng ina na buhayin ka sa mundo, dapat nang ipagpasalamat.
Pero minsan, nakakapagod rin para sa ating mga anak, di ba? Expectation, trying to live up to their standars… manahimik at huwag gumawa ng kalokohan, sabihin ang nasa loob mo (na hindi daw dapat), di ka pakikinggan dahil bata ka pa, di ka iku-consider dahil nga palamunin ka nga lang… minsan, napapagod rin tayo…
Three Things I Want to Ask of You…
I know I’ve hurt you many times
There is no excuse for that
That alone could make me be considered a bad daughter.
But I want to tell you, Mom
That my heart feels that pain too.
You said you have all the problems on your shoulders
And that it’s a tiresome burden
But do you know?
My heart’s about to explode for the things in it
That I can’t tell you.
I’ve seen you cry on your bed many times
For a thousand of reasons,
But you have to know,
I’ve been crying too.
You said you can’t forgive me for
Not being the daughter I should have been.
But I can’t forgive you more
For doing this to yourself.
You’re so weak.
You’re so pathetic.
You complain so much.
You make it hard for me to take care of you.
You make me want to hate you.
You make me want to forget I love you…
But despite all of it,
Bad daughter I may be for you,
You’re still my mother.
Even if my heart’s taken from me,
I’ll still continue loving you.
Call me selfish now for the next things I’ll say,
But can I ask for three things from you?
Please be strong for me.
Please be patient to me.
Please keep on loving me.
-Miss Fat Lady
-Miss Fat Lady
Totoo nga yata ang sinasabi ng iba, na kung sino pa iyong mahal mo, eh, sila pa iyong makakasakit sa iyo ng todo. Nasasaktan ako sa kalagayan niya, sa ginagawa niya sa sarili niya. I wanted to help her. Pero unti-unti na akong napapagod. Gusto kong… asikasuhin ang sarili. Isipin muna ang sarili ko lang. Pero di ko magawa. Paano kasi, sa bawat pangarap na isinusulat ko, kasama siya. Siya ang inspirasyon ko (kasama na ang ibang kapamilya ko). Pero kung ang inspirasyon mong iyon ay ayaw maging inspirasyon mo, anong gagawin mo? Paano kung kahit anong gawin mo, unti-unti niyang sinisira ang sarili niya? Hindi na siya nangangarap. Pero gusto ko pang mangarap.
Ang hiling ko lang, sana ay magising na siya. Dahil gustuhin ko mang tulungan siya, tanging siya lang ang makakasagip sa sarili niya.
Note:
I Know It Isn’t Always Easy Being My Mom by Barin Taylor and Mom, If I Could, I’d Give You the World by Debra Elliot are all taken from the book I Love You, Mom (A Blue Mountain Arts Collection About Having Life’s Greatest Gift… Having a Mom Like You) Edited by Gary Morris.
May ibang title din po ang book na ito. Lahat po ito ay compilations ng mga tula na nakaka-inspire. Parang katulad ng Chicken Soup books, iyon nga lang, tula ang nasa loob at hindi stories. Kung meron nito sa mga malls malapit sa inyo, bilhin nyo na, pramis, di kayo magsisisi!
Merry Christmas! And Advance Happy New Year~
Biyernes, Disyembre 23, 2011
Si Juana Katamaran 1 - Entry #5 sa Blog ni Miss Fat Lady
Episode 1: Ang Mga Pangunahing Karakter
Part 1: Ang Kabigatan ng Pang-Ms. Unibers na Body ni JUANA
Muzta na? Ako si Juana Katamaran.
Pok!
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz*snore*zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz*snore*zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
<mag-iinat si Juana. Gising na siya. Iyong pok! na narinig pala kanina ay tunog ng ulong bumagsak sa lamesa kasi hindi na kinaya ni Juana ang bigat ng ulo niya>
Anong oras na, mga repapipz? Bakit wala nang tao?
<tumayo si Juana. Tinungo ang pinto ng klasrum. After 30 minutes…>
Hala! Naka-lock! <walang buhay niyang sabi. Tumutulo pa ang laway niya pero di na niya pinahid. Ang bigat kasi ng relong nasa left hand niya. Yung right hand naman niya, nakahawak sa seradura ng pinto. Dila na lang niya ang ipampapahid niya. Lasang laway pa rin naman, eh. Tsaka, sa kanya naman iyong laway. Ultimo mga germs, siya ang amo nila!>
Paano ako uuwi? Di pa ako tapos i-read Adbentyurs ni Juan Tamad tsaka mayang 4:30 na Mr. Bean…
<laylay ang balikat na bumalik si Juana sa upuan.. After 30 minutes, nakaupo na siya>
Hay… gutom na ako. Three days pa ako no eat matinong food.
<naalala ni Juana ang galunggong na isda na itinago ng nanay niya sa itaas ng aparador niya na nababalutan ng tatlong selopin na ipinasok sa lata ng sardinas na naka-scotch tape pa para di mabuksan ng mga daga bago ito nagbakasyon sa BORACAY. Mga halimaw kasi ang mga daga sa kwarto ni Juana. Ilang selopin na ng rat killer ang naubos niya pero ang dami pa ring daga. Ang hihilig kasi kaya anak tuloy ng anak!>
Kung alam ko lang na makukulong ako dito sa room, kinain ko na lang iyon.
<Kaya lang, ang taas ng cabinet niya. Mabigat ang bangkong papatungan niya tapos kailangan pa niyang tanggalin iyong scotch tape sa lata, tapos iyong tatlong selopin sa galunggong. Bakit pa siya magpapakahirap? Galunggong lang iyon. Ang cheap! Baka nga panis na iyon, eh. Tapos, papainitan pa niya iyon sa kalan para mas masarap pag mainit. Pero paano kung matalsikan siya ng mantika?! Ang skin niya, baka magka-rashes. Allergic siya sa mga maiinit na bagay. Ganun siya ka-sensitive.>
<Kailangan na talaga niyang umalis. Magdidilim na. Inabot niya ang bag niya pero nahulog iyon. Kumunot noo niya. Anong dapat niyang gawin sa bag?>
Sasakit lang likod ko.
<sabi lang niya. Kaya ayun, inilusot na lang niya ang isang paa sa sling ng bag tapos tumayo na siya. Nakita niya ang bintana ng klasrum ba bukas. After 30 minutes, sa wakas, narating rin niya ang bintana hila-hila pa rin sa paa ang bag.>
Hindi ko kaya. Ang taas. Sasakit balakang ko.
<sabi niya pagkakita sa labas at kung gaano kataas ang aakyatin niya pababa. Nang dumaan ang kaklase niyang si Pepito LotoNgLoto. Nakita si Juana. Ngumiti ng malapad. Kita tuloy ang dalawang bugs bunny teeths niya. Namula parang kamatis ang pisngi niya. Crush niya si Juana, eh>
O, Juana, my labs! Bakit andyan ka pa? Di ka pa uuwi?
Naka-lock pinto. Kaya talon sana ako dito bintana pero ‘syado taas. Sasakit balakang ko pag talon ako. ‘Yaw ko saktan body ko pang-Ms. Unibers.
Ha? Paano ka masasaktan? Nasa first floor lang naman room natin kasi first year pa tayo, di ba?
Kahit na.
Sige, ganito na lang. <Lumapit si Pepito LotoNgLoto sa labs ng world niya> Kapit ka sa akin tapos ilalabas kita diyan sa bintana.
T.Y. <sabi ni Juana, nakayuko at pa-shake-shake pa ang katawan na parang nahihiya. Crush rin niya si Pepito LotoNgLoto.> Umm…Uwi na ko.
Sige, my labs. Pwede ba ako dumalaw sa inyo sa Sabado?
Ummm…tsige. Pero dapat dala ka food. ‘Yaw ni nay wala dala tsutor ko, eh.
Sige. Don’t worry. Dalahan kita ng lechon manok, pampahaba ng buhay. Una na ako. Itataya ko pa bente pesos baka manalo ako at mabilhan kita manok galing Max’s!
<Umuwi na nga sila pareho>
__________________________________________________________________________________
Miss Fat Lady’s Note: Aaaaaaahaaaaayyyyy! Antok na ako. Antagal pa kasi dumating ni Juana sa bahay nila!
__________________________________________________________________________________
Part 2 (last part): Magkano ang Expenses sa Bakasyon sa AMANPULO ISLAND?
<after two hours, nakauwi na si Juana. Ambilis niya nakauwi. Nasa likod lang kasi ng school ang kubo nila.>
Juana! Anak! Kumusta na?! Long time no see! My beybi! Mwah!
Nay, gutom na me. Pero musta naman po vacation nyo Bora?
Naku, graveeee. Ang bongga! Nag-banana boat ride ako tapos island hopping tapos kumain ako sa restaurants doon! Graveeee! Worth it ang lahat ng mga naipon ko! Hay!
Kaiinggit kayo, nay. Gusto ko rin punta Bora!
Ten years, anak! Ten years. Pwede na. Mag-janetress ka sa school nyo ng isang taon. Ikaw pumalit sa akin after you gradweyt HS, ok? Dapat masipag ka.Para ma-promote kang head janitress. Mas malaki ang sweldo nun tapos mas malaki na maiipon mo!
Galing n’yo, Nay! <sabay yakap niya sa nanay niya>
Ako pa! Pero anak, narinig ko, mas maganda raw iyong Amanpulo Island? Gusto ko dun. Magkano kaya ang kailangan ko para makapunta roon? Pag-iipunan ko?
Yaan nyo Nay. Search ko po sa net. Pero akin rinig mahal dun. 2 lives n’yo di kasya para makapunta dun. Pambili food…baka ten years. Bayad hotel, ten years. Para sa iba services nila, kelangan, ten years uli! Low estimate pa yun nay…wala pa research! Tsaka, pamasahe rin po, ten years din!
<nalungkot ang Nay ni Juana.>
Ay! Ganoon ba, anak? Sayang naman. Patay na pala ako, kulang pa panggastos sa pagkain. Sayang. Sayang talaga. Pero ikaw Juana, may chance ka pa. Huwag palagpasin ang oportunidad. Pagtrabahuan mo iyan! Worth it ang forty years mo dun! I-forget mo na lang BORA-BORA!
<Pumasok na si Juana sa room niya na inabot ng karagdagang 30 minutes at natulog sa ilalim ng santambak na walang labang mga damit.>
End. For Now. <Ang hirap kasi gisingin ni JUANA!!!!!!!!!!!!!!!>
___________________________________________________________________________________
Miss Fat Lady’s Note: Haha! Sinaniban ako ng Espiritu ng Kaeng-engan! Ano ba pumasok sa isip ko at sinulat ko ito? May sense ba sa inyo????
Pero ABANGAN ang EPISODE 2 Abutin ang Pangarap: Part 1: Nang Kainin Ni Juana ang Galunggong, Part 2: Si Juana, Ang Masipag na Janitress!
Matagal pa matutulog pa si Juana sa sobrang kapaguran. Wawa naman ang ating bida, guys. Pagbigyan ko na lang siya….
___________________________________________________________________________________
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)

















